CHAPTER 18

732 22 7
                                    

Chapter 18

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng higaan ko. Natigilan ako nang wala akong makapa. Dahan-dahan kong minulat ang paligid ko at napagtanto ko na nasa bagong bahay na pala kami.

Tinatamad akong tumayo. Nasa garahe pa lang ngayon ang mga gamit namin ni Deus at wala pang gaanong laman ang bahay dahil hindi pa kami nakakapag-ayos. Mamaya siguro gagawin ko.

Pumunta muna ako sa banyo para mag-toothbrush at mag-ayos nang kaunti bago bumaba. Hindi gaanong malaki ang bahay pero sakto na ito para sa isang pamilya. Our house is still bigger than this but then tatlo lang naman kami dito. Tatlong kuwarto ang meron sa second floor. Maluwang rin naman ang living room at ganon din ang kitchen.

Nadatnan ko sa kitchen si Deus na nakatalikod sa akin at abala sa pagluluto. Bahagya akong napahinto nang makita ko siya. Realization hits me. Oo nga pala at mag-asawa ba kami.

"Good morning." Kaswal kong bati at napatingin naman siya sa akin.

"Morning." Maikling sagot niya naman sa bati ko.

Nagtungo ako sa refregirator para maghanap ng pwedeng kainin. Nanlumo na lamang ako dahil wala gaanong laman iyon.

"Kailangan natin mag-grocery." Sabi ko kay Deus.

Nagkibit-balikat naman siya habang ang atensiyon niya ay nanatili sa niluluto niyang noodles?

"Hindi ka rin marunong magluto ng disenteng ulam?" Natatawang sabi ko sa kaniya.

Oh, I should know! All this time I thought he knows how to do everything aside from loving me. Kidding aside, I thought he knows how to cook since Manang Ely told me that Deus hangs out with her to watch her cook.

"So what if I'm just cooking noodles?" Masungit na sabi niya sa akin.

"Well, hindi rin naman ako magaling magluto. I only know basic recipes but Dad cooks a lot in the house. Mas madalas pa siyang magluto para sa amin kaysa kay Mommy."

"Tito Vius is a good cook."

"He is and here I am, I thought I would also be lucky enough to have a husband that knows how to cook like him." Naiiling na sabi ko.

Maya-maya pa ay isinalin na ni Deus ang noodles sa bowl.

"Wala ka bang gustong kainin?" He asked.

"I want pancakes with chocolate syrup on it."

"We don't have that here."

Napangalumbaba ako. "That's why I want to go in a grocery to buy some things including our foods."

"I'll just ask someone to buy some."

Akmang kukunin na niya ang cellphone niya nang sinenyasan ko siya na huwag na lamang.

"I can go."

"Silly, you can't go there by yourself. Four months ka ng buntis, Savi. You should be more careful."

Bumuntong-hininga naman ako. "Then go with me."

Natigil sa ere ang papasubo na sana niyang noodles at napatingin sa akin bago niya binaba ang kubyertos na hawak niya.

"I'm busy. I can't go with you. Marami akong paper works na naghihintay sa opisina." Malamig na sagot niya sa akin kasabay nang pagtunog ng cellphone niya. Binasa niya ang natanggap niyang mensahe at mabilis na inubos ang pagkain niya.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now