CHAPTER 22

874 27 2
                                    

Chapter 22

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong lumuluha habang nag-iimpake pagkatapos magpaalam sa akin ni Koko. Sagabal man ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko ay nagpatuloy ako sa paglalagay ng damit sa maleta ko.

Ang sikip ng dibdib ko. Kapag humihinga ako mas lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ko at unti-unti akong nalulunod sa lungkot at poot na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Nahagip ng mata ko ang picture frame sa table na nasa loob ng kuwarto ko. Larawan naming dalawa iyon ni Deus ng kasal namin. Dahan-dahan akong tumayo para abutin iyon. Pinadausdos ko ang daliri ko sa larawan na iyon at muling tumulo ang luha sa mata ko.

Tama na.

Bumuntong-hininga ako at itinaob iyon. Ayoko ng maalala ang araw na iyon. Dumako ang kamay ko sa tiyan ko at ngumiti nang maramdaman ko ang kaumbukan niyon. Sa dami ng pagkakamali ko sa pagmamahal ko kay Deus, iyong bata lamang sa sinapupunan ko ang masasabi kong regalo sa akin ng pagmamahal na naramdaman ko sa mahabang panahon na paghahabol ko kay Deus. Nakakalungkot lamang dahil sa hinaba-haba ng panahon na iyon ay ni minsan hindi niya nagawang tugonin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi dahil sa mahirap akong mahalin kundi may ibang tao na nagmamay-ari sa puso niya.

Pinunasan ko nang marahan ang mga mata kong punong-puno ng luha habang minamasdan ko ang sarili ko sa repleksiyon ko mula sa salamin.

Namumula ang pingi at ilong ko gayundin ang mga mata ko. Ang miserable ng mukha ko, malayo sa Savi na nag-uumapaw ang kumpiyansa sa sarili sa tuwing humaharap sa Camera. Nakangiti at maganda ang postura.

Ganon kalaki ang pinagbago ko para lang magpakatanga sa lalakeng hindi ako kayang pahalagahan katulad ng pagpapahalaga ko sa kaniya.

Nakatulala ako nang matapos akong maglagay ng gamit sa maleta ko. Bumaba na ako sa sala at naupo roon. Hihintayin ko si Deus, gusto kong makita niya na kaya kong umalis. Kaya ko rin na wala siya. Tama si Koko, nadudugwag akong iwan si Deus dahil takot ako na mawala siya sa akin dahil hindi ko kayang itanggi sa sarili ko na umaasa akong mamahalin niya ako pabalik kapag magkasama na kami sa iisang bubong.

Si Lux na lang siguro ang pakukuhanan ko ng ibang gamit ko. Medyo kumalma na ako ngunit batid ko sa sarili ko ngayon na namamanhid ako. Sa oras na makita ko si Deus ay hindi ko alam ang mangyayari sa akin.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad na nagtama ang paningin namin ni Deus. Bumaba ang tingin nito sa suot na damit ko at maleta sa tabi ko.

"Where are you going?" Kunot-noong tanong nito sa akin.

Nagbaba ako ng tingin at kinuyom ang kamao ko bago muling inangat ang mga mata ko sa kaniya at ngumiti. Ngunit kasabay ng pag-ngiti kong iyon ay sabay-sabay na naglaglagan ang mga luha sa mga mata ko.

Nakita ko kung paano siya natigilan nang maglaglagan ang mga luha sa mata ko.

"Savi..." Anas nito sa pangalan ko.

"Thank you for making me experienced the feeling of being married to you in just a week. It's actually the worst, Deus."

Hindi ito makapagsalita at nakatingin lamang ito sa akin na tila naguguluhan.

"I'm leaving."

"Okay."

Natuod ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinagot niya sa akin.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now