CHAPTER 19

707 22 14
                                    

Chapter 19

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Pagkatapos kong magpahatid kay Tobio ay dumeretso na agad ako ng kuwarto ko at hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Pinaghahagis ko lahat ng makita kong gamit.

"DAMN IT!" Sigaw ko at nang makaramdam ako ng pagod ay umupo na ako sa kama at pinakalma ang sarili ko.

Bawal sa akin ang ma-stress pero hindi ko mapigilan na mag-init ang dugo ko lalo na kapag naaalala ko na bumalik si Deus sa loob ng restaurant para sa Leana na iyon.

Mabuti na lamang at hindi na gaanong nagtanong pa si Tobio sa dahilan ng biglaang pagbabago ng mood ko.

Napahilot ako ng sintido ko at huminga nang malalim. Masiyadong mainit ang ulo ko ngayon at gusto ko nang makita na umuwi si Deus.

Muli akong bumaba para kumuha ng tubig na maiinom. Umupo ako sa counter ng kusina at napangalumbaba.

Why the hell he choose that girl? Anong gayuma ba meron ang Leana na iyon na mas malakas pa ang epekto kaysa sa karisma ko? Natalo ng inosenteng mukha at mala-ahas niyang ugali ang katangian na meron ako.

Hindi na ako nagtaka nang bumukas ang pintuan at narinig ko ang pagtawag ni Deus sa pangalan ko.

"I'm in the kitchen."

Nakarinig ako ng mga mabibigat na yabag papunta sa kusina. Doon ko nakita si Deus na nandidilim ang mukha habang nakatingin sa akin.

"Can you stop looking at me like it was my fault?!" Inis na bungad ko dahil sa nandidilim niyang mukha ay mas naiirita lamang ako.

I hate how he makes me feel like I'm always fucking wrong.

Napairap ako nang mas lalo pa na naging matalim ang tingin nito sa akin.

"You made a scene, Savi! Anong gusto mo, matuwa ako?"

Napanganga ako sa sinabi niya at mapaklang natawa.

"Deus, nakita ko ang asawa ko kasama ang ex niya. Anong gusto mo magtatalon ako sa saya?!" Sarkastikong balik na tanong ko sa kaniya dahilan para mapatiim-bagang siya sa inis.

"I'm being patient to you, Savi! Ginagawan ko ng paraan para maging mabuti rin ako sa'yo dahil asawa kita sa papel! The last time I checked is we don't have to play like a goody-goody couple. We just need to get married and play along with it pero anong ginagawa mo? You're completely doing different from what we've agreed to do together!"

I gritted my teeth. "So that's it? Kasalanan ko ulit? Kasalanan ko na naman na nasaktan ako at umakto bilang asawa mo?"

"Asawa sa papel." He corrected me at napailing na lamang ako at huminga.

"Asawa sa papel? Damn that paper! You can't even respect me as a person when you've agreed to meet Leana. Nagsinungaling ka pa sa akin at mas pinili na palihim na puntahan ang ex mo. Hindi mo ba maintindihan iyong nararamdaman ko? Gusto kong huwag na lang pansinin iyong sakit na nararamdaman ko pero jusko naman, asawa mo na ako kahit sa papel lang! Bigyan mo naman ako ng respeto na nararapat para sa role ko sa buhay mo!"

Doon na tumulo ang luha sa mata ko. Natigilan naman siya at tila narealize niya ang sinabi ko,

"Savi."

Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita.

"Asawa mo lang ako. Ina lang naman ako ng anak mo kaya karapat-dapat ba ako sa eksplenasyon mo?" Maanghang na tanong ko sa kaniya bago siya iniwan roon sa kusina at umakyat na ako ng kuwarto ko.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now