CHAPTER 30

935 23 0
                                    

Chapter 30

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Oh come on, mag-enjoy ka naman." Hinila ako ni Koko at nagpahila naman ako sa kaniya hanggang sa tumalon kaming dalawa sa pool.

Tawa nang tawa si Koko at nagsaboy naman ng tubig sa amin si Luxury. Sila Mommy ang nagbabantay sa kambal. Taylor and Dylan are enjoying their time in beach samantalang kami ay napiling mag-stay sa private pool ng hotel.

"Hey stop it. May pumapasok sa tenga ko." Tiningnan ko nang masama si Luxury at yumapos naman si Koko sa kaniya. Ang awkward talaga ang height nilang dalawa dahil parehas silang matangkad kaso bagay naman kay Koko dahil iyong mahabang legs niya ang isa sa tiyak kong nagustuhan ni Lux sa kaniya.

"Kung sana ay malaki na iyong kambal, ang saya siguro nila habang naglalaro dito sa pool." Ani naman ni Koko.

"Huwag niyong madaliin na lumaki iyong mga anak ko. Ang bilis ng panahon at hindi natin mamamalayanna malaki na sila."

"Savi is right, Koko. Besides ayokong mahirap magbakod sa pamangkin ko." Nagkibit-balikat si Lux at natawa naman si Koko.

"Edi pabantayan mo sa anak natin at kay Lev." Diretsong sagot naman ni Koko na ikinatigil ko at ikinapula ng tenga ng kakambal ko.

Naningkit ang mata ko sa kalandian na nakikita ko sa harapan ko. Winisikan ko silang dalawa ng tubig.

"Tigil-tigilan niyo ako sa mga lambingan niyong dalawa. Mahiya naman kayo sa single."

Sabay na natawa si Lux at Koko at sumimangot lamang ako. Serysoso naman ako sa sinabi ko pero ginawa nilang biro.

Dumating si Mommy at tinawag kami para kumain. Unang umahon si Koko at nagsuot ng bathrobe gayundin si Lux bago ako tuluyang umahon ay inabot pa ni Lux ang kamay niya para tulungan ako. Ngumiti lang ako at hindi tinanggap iyon.

"Thank you for always helping me in everything. I awe you a lot but let me prove myself to you that I'm capable of being independent now, Luxury." Seryoso at may laman na sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya at hindi na nagsalita. Tinawag na din siya ni Koko at pinanood ko silang dalawa habang masayang tinutulungan si Daddy na ihanda ang pagkain sa lamesa.

Wala akong masabi kay Lux. Siguro sobrang attached ko na talaga sa kaniya bilang kakambal niya at ganon na ganon din siya sa role niya bilang kakambal ko. Marami na siyang nagawa para sa akin mula ng bata pa kami at ngayon gusto kong marealize niya na pwede na siyang tumayo lang para sa sarili niya. Gusto kong isipin na rin niya ang sarili niya at unahin si Koko kaysa sa akin.

Gusto kong mag-settle down na rin siya kasama si Koko.

"Savi, anong tinitingin mo diyan? Kain na." Tawag sa akin ni Daddy. Ngumiti naman ako at umupo sa katabi ni Mommy.

"Tulog na iyong kambal kaya huwag mo ng isipin. Ang bilis nilang makaidlip matapos kong painumin ng bote ng gatas."

Natuwa naman ako sa sinabi ni Mommy. "Good to know."

Halos maglaway ako sa nakahain na seafoods na nakaharap sa amin ngayon lalo na iyong mga inihaw na isda. May bagoong rin sa gilid. Simple kong inilagay ang daliri ko roon at tinikman ito. Ang sarap.

"So hanggang ngayon pala mahilig ka pa rin sa mga pagkain na sinasawsaw sa bagoong." Natatawang sabi sa 'kin ni Koko sa akin.

"Hater ka pa rin ba?" Balik ko naman na tanong sa kaniya. Noong bata kami ay kinokombinse ko siyang magsawsaw rin sa bagoong para naman malaman niya na masarap talaga kaso maarte siya at ayaw niya daw sa amoy nito.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now