CHAPTER 34

823 25 0
                                    

Chapter 34

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat kasama na ako habang nakaangat pa ang kilay ko at nakangiti nang malawak. Ang dalawang ikinasal naman ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa mata ng isa't isa.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Labrusca." Sabi ng ministro na nagkasal sa kanila. Matapos niyon ay nagsimula na ang picture taking.

"Congrats, Lux." I walked closely towards him and gave him a hug. Naramdaman ko ang bahagyang pagtapik nito sa likuran ko.

"Masusundan na iyong kambal na apo nila Mommy." Natatawang biro niya sa akin. Narinig naman ni Koko at hinampas siya nang marahan sa braso.

"T-Tito." Dahan-dahan na naglakad si Lev na hawak-hawak ni Deus habang karga naman nito sa braso si Tori. Two years old na ang kambal at nakakapagsalita na rin at nagsisimula nang dumaldal pati si Tori.

Bahagyang yumuko naman si Lux at pinantayan ang lalakeng pamangkin. "Hey? You looked so handsome on that suit, Labrusca Jr."

Nakita ko naman na napatiim-bagang si Deus kaya napailing ako. "That's my son, Luxury. It should be Vergara Jr."

"Shut up, Vergara."

"You shut up, Labrusca. Anyway, congratulations. You can make your own version of Labrusca Jr. now."

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinapakinggan silang magkapikunan dahil ganiyan din sila noong magkaibigan pa sila not until Deus ditched me on my debut. Napuno na si Lux ay tuluyan nang lumayo ang loob kay Deus.

"Mommy." Cute na tawag sa akin ni Tori. Nginitian ko lamang siya dahil hawak-hawak siya ni Deus. Siya na mismo nagpresinta na humawak sa kambal para daw hindi masira ang poise ko dahil masiyado daw maganda ang suot ko para lang magusot ng kambal habang buhat sila.

I know everyone thinks that everything is going well between me and Deus but it's not. Ganito lang kami at unti-unti nang nakokontento sa ganitong set-up.

"Do you want to come with me?" I asked her but she suddenly wrapped her arms in his father's neck. Pilya at maldita, gustong-gusto si Deus. Parang ako lang.

"Me, Mommy." Lev said and he extended his hands on me so I hold it.

"Thank you for arranging all of these, Savi." Koko said and hugged me.

"You're welcome, sis."

She chuckled. "Ang saya ng bagong tawag mo sa akin."

"You deserve it. Buti nga ikaw ang nakilala ni Lux eh. Kung ibang babae iyon baka selos na selos pa rin sa akin kahit na kakambal ako ng lalakeng iyon."

Naiiling na lamang niya akong nginitian. "I'm lucky to become part of your family."

Wala na akong masabi sa kanilang dalawa dahil iyong kasal nila ay nangyari naman dahil mahal nila ang isa't isa kaya wala na rin akong tutol. Masaya pa nga ako para sa kanila.

"Ako na bahala kay Lev." Paalam ko kay Deus bago nakipag-usap sa ilang bisita.

Binati ko rin si Tobio na kasama ang isang babae na mukhang mahiyain pa. The girl looks a little younger than him.

"You got a girlfriend?" I asked. He shrugged.

"I'm still courting her."

Namilog naman ang mata ko at ngumiti sa babae. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. She's a Filipina. Morena ang kulay nito pero maganda siya.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now