CHAPTER 33

870 27 10
                                    

Chapter 33

Hurts so Good

Selim Warrior

Author's Note: Please take time to comment down your thoughts about Hurts so Good. I just want to know if you have some questions or you're confuse about the timeline and scenes. If you found something wrong with the story, don't be scared to point it out and say it to me. I'll fix it. 

I really want to improve as a writer so I want some feedback coming from you. Say something if the story is good or nah. I appreciate it. Thank you and enjoy reading the remaining chapters of Hurts so Good.

Savi.

"Yay! Anong masasabi mo, Savi?" Excited na sabi sa akin ni Koko habang pinapakita sa akin ang mga design ng wedding gown na kaibigan niya mismo sa Japan ang gumawa.

Kinuha ko naman ang laptop niya at tiningnan ang mga iyon. Sobrang elegante at mamahalin ang mga ito sa itsura pa lang. Napakadetalye kasi ng pagkakagawa ng gown kaya isang tingin mo pa lang ay napaka-engrande na nito.

"Ang hirap mamili." Sagot ko sa kaniya. Nalula ako sa sobrang ganda ng mga gowns.

"Same here. I want to ask Lux about this but I'm sure he will just say that I should choose what I like the most. Tsk."

Natawa naman ako. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang mag-propose siya kay Lux at gusto na agad ni Koko na ikasal sila kaya tinutulungan ko na rin silang mag-ayos para sa kasal nila. Mula sa catering, venue at damit na susuotin ng mga flower girl, abay at mga ninong/ninang nila sa kasal. Lux wants it to be the best wedding for Koko lalo na uuwi rin ang mga kaibigan nitong volleyball players sa Japan. Maging ang ilang pinsan nito ay darating din kasama ang Mommy at Daddy nila ni Tobio.

If I know, he just wants to show-off that Koko chose the best guy for her and Lux is the best.

I-swinipe ko pa at naagaw ng pansin ko ang gown na saktong-sakto sa katawan at height ni Koko. Medyo plain lang ang design pero magandang tingnan. Kumikinang ito dahil may totoong maliliit na diamonds na nakapalibot doon. May mahabang slit ito sa gilid na tiyak na babagay sa mahaba at bilugang hita ni Koko.

"How about this one?" Tanong ko sa kaniya at ipinakita ang litrato ng gown.

Nagningning naman ang mga niya nang makita iyon.

"Subarashii!" Kinuha niya mula sa akin ang cellphone niya at zinoom pa ang photo. "Sugoi. I really like your fashion taste, Savi."

Napangiti naman ako. "I'm glad you like it. How much is that gown?"

Umarko bigla ang kilay niya. "Don't bother asking me about the price. I'll pay for it. It's too pricey."

I rolled my eyes on her. "I already know that it's expensize besides Lux won't let you buy that gown with your own money. Daan-daang libo ang pumapasok sa bangko ni Lux araw-araw mula sa kumpanya, I guess marami na iyong ipon para sa kasal niyong dalawa."

Sumusukong bumuntong-hininga ito. "Anong pwede kong gawin?"

"Mag beauty rest ka na lang. Halos ako rin naman ang mag-aayos para sa kasal niyo."

Hinawakan niya naman ang kamay ko at ngumiti. "Thank you so much, Savi. Sobrang busy mo nga nitong nakaraang araw galing sa mga taping para sa movie mo pero dumadaan ka pa rin sa bahay para tanungin ako tungkol sa kasal. Huwag mo lang sanang pabayaan ang kambal."

"Sinisigurado ko sa'yo na hindi ko napapabayaan ang mga anak ko. Madalas sa bahay si Deus. Kulang na lang tumira na rin siya sa bahay dahil umaga at gabi, nandoon siya para dalawin ang kambal kahit minsan bakas na sa mukha niya ang pagod galing sa trabaho."

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon