CHAPTER 11

875 24 3
                                    

CHAPTER 11

Savi.

"What the hell are you doing here, Savi?"

Umirap naman ako nang iyan ang unang bumungad sa amin ni Lux pagkababa namin ng sasakyan. I saw how Lux gritted his teeth at the corner of my eye. He's glaring at Deus.

Bumuntong-hininga ako. "Calm down, Lux."

Tumingin sa akin si Deus. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

"My family wants you to take responsibility on our child."

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Deus dahil sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Tell me you're lying." Aniya at seryosong tumingin sa akin. Napamaang ako sa gulat at ramdam ko ang higpit ng paghawak nito sa akin dahilan para mapaigik ako sa sakit.

"Gago ka talaga!" Hinila ni Luxury si Deus palayo sa akin at inambaan ng suntok sa mukha.

Nanghihina akong napaatras at napahawak sa tiyan ko.

"Luxury, huwag." Pigil ko sa kakambal ko dahil nanginginig na ito sa galit. Kahit na naiinis din ako sa mga nangyayari ay gusto ko pa rin na mag-usap kaming lahat sa maayos at hangga't maari sa malumanay na paraan.

Inis na tinulak ni Luxury si Deus at tiningnan ito ng masama.

"Deus is just a kid. He can't handle this sh't." Anas ko at nakita ko naman kung paano natigilan si Deus dahil sa sinabi ko kaya napangisi ako.

"I'm here to tell you about my pregnancy. I'm here to ask if you want to take responsibility of me or just fvcking run away from it. I don't care anymore."

"Savi." Suway ni Lux pero tinaas ko ang kanang kamay ko para patahimikin siya.

"I'm not here to chase you anymore, Deus. I'm here as a grown up woman and soon to be a mother of your child."

"Oh my God."

Napalingon kami sa likuran namin at nakita ko si Tita Charlotte. Nakaawang ang labi nito at hawak nito ang dibdib.

"Mom..." Nanlalaki ang matang tawag ni Deus sa kaniya. Napalunok naman ako ngunit mabilis na naglakad papalapit sa akin si Tita Charlotte at niyakap ako.

"Is that true, Savi? Buntis ka?"

Tumingin ako kay Lux at napabuntong-hininga naman siya. Dahan-dahan akong tumango kay Tita Charlotte.

"Oh God, I didn't expect this to happen."

Inaya kami ni Tita Charlotte na pumasok sa bahay nila at walang magawa si Deus kundi sumunod kay Tita. Sinabihan kami ni Tita na hintayin lang saglit si Tito Chase dahil pauwi na rin siya.

Lux excused himself since marami pa siyang naiwang trabaho sa kumpanya. He asked me to call him if naging maayos ang usapan so he can easily bring my things here.

"Savi."

Bahagyang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Deus. Stupid. Huminga muna ako nang malalim bago siya hinarap.

"What?"

"Is it really mine?"

Parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko dahil sa narinig kong tanong. Gumuhit ang pait sa dibdib ko dahil hindi ako makapaniwalang makakatanggap ako ng ganon mula sa nag-iisang lalake na ginusto ko sa buong buhay ko. Ni hindi ko nga maharap na tumingin sa iba at ibaling ang nararamdaman ko sa karapa't dapat na lalake tapos tatanungin niya kung siya ba talaga ang ama ng dinadala ko?

Hurts so Good [✓]Место, где живут истории. Откройте их для себя