CHAPTER 32

876 22 4
                                    

Chapter 32

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Nasa daan na kami ni Lux para sunduin si Koko. Pauwi na ito mula sa last game nito sa Brazil. Big deal para sa kanilang dalawa ang araw na ito dahil sa wakas ay umalis na si Koko sa paglalaro ng volleyball. Tiningnan ko ang kakambal kong ngiting-ngiti simula kaninang umaga. Kung noong February ay madalas nagsusungit ito, ngayon namang Marso ay napakaganda ng mood nito.

"Mukha kang timang." Biro ko sa kaniya habang nagdri-drive siya. Bagama't negatibo ang biro ko ay nanatili itong nakangiti. Parang wala ng makakasira ng mood niya ngayong araw.

"Ikaw, kamusta si Deus?" Biglang tanong niya na ikinaangat ng kilay ko. Limang buwan na ang nakalilipas simula nang pinayagan ko si Deus na makita ang mga anak namin. Madalas na siya ngayon sa bahay. Narinig ko rin mula sa kaniya na sobrang natuwa sila Tita at Tito sa balita.

Hindi ko makalimutan iyong nangyari noong nakaraang Enero kung saan ginanap ang unang kaarawan ng kambal. Nandoon si Deus at bagama't napaka-awkward sa ibang tao na nakakakita sa amin ay hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin dahil masaya rin ako sa araw na iyon.

Hawak ko si Lev samantalang hawak niya naman si Tori.

"Hey, tinanong lang kita. Naglakbay na ata utak mo." Puna niya sa akin dahil natagalan ako sa pagsagot.

Pinagsaklop ko naman ang mga kamay ko. "So? Ewan. Hindi naman kami nag-uusap madalas."

"Oh talaga ba?"

Tiningnan ko siya nang masama.

"Bakit ba parang tinutukso niyo na ako sa kaniya ngayon? Anong trip niyo?" Kunwaring sungit ko sa kaniya at mahina naman siyang natawa.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na hindi ka na marupok katulad dati o hindi." Naiiling niyang tugon.

Itinuon ko naman ang tingin ko sa daan at bumuntong-hininga.

"No strings attached." Pagpapaalala ko pa sa sinabi niya noon sa akin.

"Okay pero aminin mo man o hindi, alam kong kinikilig ka doon sa first family picture niyo noong birthday ng kambal."

At iyon na nga, naungkat na naman ang tungkol sa family picture namin kasama si Deus na lihim kong pinadevelop at pina-frame tapos nilagay ko sa kuwarto namin ng kambal sa bahay.

Inirolyo ko ang mata ko sa kaniya. "Alam mo, mas ma-issue ka pa sa mga tao sa social media."

"Well nananahimik ka lang naman kasi may upcoming movie ka with Derick Hidalgo eh."

Naningkit naman ang mata ko. "Last week ko pa iyan napapansin ah, ayaw mo kay Derick noh?"

Nagkibit-balikat siya. "I just don't want his aura, period."

Nakilala ko si Derick noong fashion show ng M clothing line at S-tyles. Siya mismo ang lumapit sa akin at natuwa dahil ang gaganda daw ng design ng mga damit ng S-tyles. Nalaman ko lang rin na isa pala siyang actor dahil kay Yumemi.

Namalayan ko na lamang na nasa airport na kami nang iparada ni Luxury ang sasakyan. Binuksan ko kaagad ang pintuan at bumaba ng kotse nang dahan-dahan.

"Tsk. Sinabihan ka na nga ni Deus kanina na maikli ang suot mo pero sinuot mo pa rin iyang damit na iyan. Ang kulit."

Tinaasan ko siya ng kilay. "You know how stubborn I am. Ayoko ng pinagbabawalan ako sa kung anong gusto ko."

Maya-maya pa ay nakita kong binuksan ni Lux iyong sasakyan at may kinuha. Nagulat ako nang may ibato siyang pamilyar na jacket sa akin.

"Kay Deus ito!"

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now