CHAPTER 13

794 21 3
                                    

Chapter 13

Hurts so Good

Savi.

Mula sa likuran ay hinawakan ko ang balikat ng lalakeng muntik ng mahalikan ang kakambal ko. Ngunit nagulat ako nang humarap ito sa akin na nagpipigil ng tawa. Samantalang si Lux naman ay parang namumula ang magkabilang tenga habang magkasalubong ang dalawang makapal na kilay nito.

Umawang ang labi ko nang matitigan ko nang maiigi ang taong nasa harapan ko ngayon.

"K-Koko-chan?!" Hindi makapaniwalang sabi ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ng kakambal ko.

"Yes, I'm Andre Hinako Takahashi. Konnichiwa, Savi-chan. Nagustuhan niyo ba ang surpresa ko?" Aniya at kumindat pa sa akin bago hinila ang wig na suot niya at lumitaw ang natural na maikling buhok nito.

"The fuck? I have't notice that you're a girl since your body is good enough for a guy. Sobrang kaba ko na may lalakeng gustong humalik sa kakambal ko."

Inirapan niya naman ako. "I'm still sexy, Savi-chan. Besides athlete ako kaya kailangan kong alagaan ang katawan ko. About sa get up ko, well I just want to disguise myself as a guy to surprise Lux."

Si Koko ang half japanese ex-girlfriend ni Luxury na mahilig mag-cosplay. Volleyball player din siya katulad ng kakambal niya na si Tobio-kun. Nagkakilala kaming apat nang dalhin kami nila Mom and Dad sa Japan para magbakasyon.

Their relationship aren't that good since laging umaalis si Koko para lumaban sa mga competition niya ng volleyball. Lux is silent about it pero alam ko na noong nakipag-break sa kaniya si Koko para sa pangarap niya ay nasaktan din siya. Ayaw ni Koko na madistract sa mga practice niya noon at kailangan niyang putulin ang koneksiyon niya sa kakambal ko. Wala namang nagawa si Lux kundi bitawan na lang rin siya.

I know Lux is secretly supporting her and watching her games.

Bigla ay sumeryoso ako dahil roon. "Anong dahilan ng biglang pag-uwi mo sa Pilipinas?"

Natahimik si Koko sa tanong ko. Naiilang na ngumiti siya sa akin.

"Bakasyon ko."

Nalaglag ang balikat ko dahil sa sagot niya. Binalingan ko si Lux na mukhang hindi interesado sa pinag-uusapan namin dahil binuksan niya muli ang laptop nito at kunwaring may binabasa roon.

"Koko naman, maawa ka na sa kakambal ko. Nakipag-break ka sa kaniya noon tapos babalik ka rito na parang kayo pa rin?"

Nawala ang ngiti sa labi niya. "C-Can we just drop that topic and let's eat lunch?"

Tumango na lamang ako at ibinaba ang cake na binili ko.

"Where's Mom?" Tanong ko kay Lux.

"She's not here. It's part of the surprise."

Bakas sa mukha ni Lux ang disappointment. Hindi man niya sabihin sa akin pero alam kong naguguluhan na rin siya sa nararamdaman niya ngayon.

Inihanda ko na lamang sa extra table ng office ni Lux ang mga pagkain. Maya-maya pa ay muling bumukas ang pintuan ng office at nakita ko ang kakambal rin ni Koko na si Tobio.

"Tobio-kun."

Simpleng ngumiti ito sa akin. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Sh't, sobrang gwapo. Ang ganda ng body built niya dahil player rin siya ng volleyball sa Japan.

"Do you want me to give you a tissue? Stop drooling on my brother, Savi." Natatawang sabi ni Koko dahilan para mamula ang mukha ko at mapaiwas ng tingin dahil sa hiya.

"Naninibago ako. Sobrang ganda ng body figure niyo."

Koko chuckled as she crossed her long legs. "It's Takahashi's blood that is running in our veins. Maganda lahi namin kaya hindi na kayo lugi."

Ramdam ko ang hangin sa sinabi ni Koko.

"Sino ba ang binebenta mo sa aming mga Labrusca? Ikaw mismo o iyong kapatid mo?"

Napailing na lamang si Tobio sa amin ng kakambal niya at naupo sa bakanteng upuan.

"Seriously, I like Savi."

Tila nasamid naman ako dahil sa sinabi ni Tobio.

"Hindi na ako available." Nakalabing sabi ko.

"Really? I always thought that you are available since you haven't dating any man."

Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman talaga kasi naisip ang sarili ko na may ibang nobyo maliban kay Deus. Kahit na subukan kong pumasok sa relasyon, lagi lang rin iyong mabibigo dahil wala sa kanila ang puso ko.

"How about you, Asher? There's a lot of girls who throw theirselves on you. Why not get a girlfriend?" Tanong ni Lux sa kaniya. Tobio's fullname is Asher Tobio Takahashi. Lux used to call him Asher.

"I'm not interested."

Nanlumo naman si Koko sa sinagot ng kakambal niya.

"He's interested with someone who has a captivating beauty like Savi."

Bumuntong-hininga na lamang si Tobio. Habang ako ay unti-unti ng naiilang kaya pinili ko na lamang na abalahin ang sarili ko sa paglalagay ng foods sa plato nila.

"Itadakimasu." Sabay-sabay na sabi namin bago kumain. Nakasanayan na naming apat kapag kumakain kami na magkasabay.

Napangiti naman ako habang kumakain ng pasta. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam na si Tobio at Koko dahil aasikasuhin pa nila iyong mga gamit nila. Inuna lang daw talaga nila na dumaan rito.

I was also about to leave when I notice Lux.

"Lux?"

"Hmmm?"

"How do you feel?"

Natahimik ito.

"Lux." Tawag ko ulit ng pangalan niya at ngumiti siya sa akin.

"Pathetic isn't it? Sobrang saya ko nang dumating si Koko kahit alam kong aalis ulit siya tapos masasaktan na naman ako. Hindi ko na nga alam kung anong relasyon meron kaming dalawa."

Sa unang pagkakataon ay bumigat ang dibdib ko habang nakatingin kay Lux na bakas ang hinanakit nito sa paraan ng pagsasalita niya.

"Why not tell her about it? Tell her that you don't want her to leave."

"Her dreams are more important than me, Savi. I won't be selfish enough to stop her from doing things that she wants."

Umirap ako. Bakit ba sobrang bait ni Lux pagdating kay Koko?

"Then find another woman. Magmove-on ka na kay Koko dahil lagi ka na lang naghihintay sa kaniya kaya tine-take for granted ka lang niya. Dati mo pa siyang hinahayaan na gawin ang gusto niya. Anong masama kung ikaw naman ngayon ang pipiliin niya, Luxury?"

Kumibot ang labi nito sa sinabi ko. "She begged for me to let her go and that hurts a lot, Savi. Nanghihina ako kapag naaalala ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya para lang pumayag ako na maghiwalay kaming dalawa kasi pinili niya iyong career niya sa volleyball kaysa sa akin."

"Anong balak mong gawin? Ayokong makita kang nasasaktan. Ikaw ang laging prumo-protekta sa akin kay Deus kaya gusto ko rin na tulungan kita bilang kakambal mo."

Napangiti na lamang ito sa akin. That's it. I want Lux to rely on me too. Lalo na at ako ang mas matanda sa aming dalawa. Lux always treats me like a baby. He spoils me on everything that will make me happy no matter how many time we argue with each other.

"I just want Koko to surrender herself to me. Kapag handa na siyang bumalik sa akin, hindi ko na siya papakawalan." Puno ng pag-asa na sabi niya dahilan para mapangiti ako.

Ang swerte ni Koko sa kakambal ko. Maswerte siya na may lalakeng gustong maghintay sa kaniya at mahal na mahal siya.

I can't help to admire Lux's love for Koko.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now