CHAPTER 9

852 30 8
                                    


Chapter 9

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

I can't help but to smile upon seeing my latest photos from my photoshoot. This is my first time to take photos that shows a lot of my skin. Noong una ay nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko itong project na ito pero sa huli ay napagdesisyonan ko rin na subukan ito.

"Tsss, I told you to decline that offer." Lux said as he saw me smiling.

Inirapan ko naman siya agad. "Ang arte mo naman. Malapit na akong mag-twenty three. Naisip ko lang ito for a change."

"Kulang na lang maging hubad ka na sa mga picture na iyan."

Natawa naman ako sa kaniya. Kailan pa naging sobrang conservative ni Lux? Besides disente naman iyong picture kahit medyo mababa ang neckline ng dress na suot ko at ang ilang kuha naman para sa bikini photos ay maganda rin. Kitang-kita sa mga litrato ang hubog ng katawan ko kahit bahagyang tumataba na ako sabi nila Taylor at Rion.

"Alam mo ang oa mo. Mag-iistart na next week iyong photoshoot namin ni Rion para sa first movie project naming dalawa. May kissing scene pa iyon kaya walang magagawa sa business industry na kinabibilangan ko ang pagiging conservative."

"The picture seems like you're seducing guys who will soon see that magazine." Ismid nito.

"Seriously? Edi tama lang dahil effective model ako." Masayang sabi ko at napailing na lamang siya sa akin.

"Next month na iyong birthday natin. Hindi ka pa ba mag-iistart na magplano gaya ng dati?"

Natigilan ako. Binuksan ko ang cellphone ko para silipin ang monthly calendar ko. Today is the second week of June. Kumurap-kurap ako nang makita ko ang red mark sa 12th. Iyon ang palatandaan ko na dadatnan ako ng mga ganong araw. Sh't.

This is my 2nd month na hindi nadatnan. Parang bigla akong naubusan ng dugo at napaisip kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ako. Nitong mga nakaraan ay panay ang kain ko, hindi ko naisip ang mga posibilidad na baka nagbunga nga iyong isang gabi na pinagsaluhan namin ni Deus.

"Sh't."

"Is there a problem, Savi?" Lux asked.

Nanlumo ako at napailing. It can't be.

"Sh't, Lux."

"Why?" Nagsalubong na ang dalawang kilay nito at lumapit sa akin.

Kaya ba parang tumataba na ako kasi buntis ako? Hindi pwede. Nababaliw na ako. Sana mali ang hinala ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa oras na maging tama ang hinala ko.

The future movie taping, photoshoots., my plans, my dreams and the fact that I've already build myself again after having troubles would it go for nothing? Nanghihina ako.

"N-Nothing. May naisip lang ako pero baka mali." Utal na sagot ko sa kaniya.

Nang makaalis ng bahay si Lux ay tinawagan ko kaagad si Taylor. Nanginginig ang kamay ko habang naghihintay na sagutin niya ang tawag ko.

"Pick it up, Taylor." Mahinang bulong ko dahil nagri-ring lang ang cellphone nito at hindi niya sinasagot.

Hindi ako mapakali. Gusto kong kumpirmahin ang hinala ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip na hindi ko kaagad naisip na pwedeng humantong sa ganito iyong ginawa naming dalawa ni Deus. Masiyado kong inabala ang sarili ko sa pagbalik sa trabaho at naging abala din ako sa pagsasaayos ng sarili kong buhay.

Bakit kung kailan okay na ako tiyaka naman gumulo ulit ang lahat?

"Savi?" Bungad ni Taylor sa kabilang linya.

Tiningnan ko muli ang paligid ko bago nagdesisyunan na pumasok sa CR para doon kausapin si Taylor.

"I have a fvcking problem right now." Seryoso at kinakabahan kong sabi sa kaniya.

Nakarinig ako ng boses ng lalake sa kabilang linya na tinatawag siya. I assumed that she's with her boyfriend right now but I need her.

"Is it that big that you have to disturb me on my date?"

Kahit hindi ko siya makita ay alam kong naparap ito nang sabihin niya iyon sa akin.

"Damn it. It's bigger than what you think, Taylor! May posibilidad pa na ipa-cancel ko ang upcoming movie namin ni Rion para dito."

"The fvck? Anong problema?"

"I think I'm fvck up."

"Sh't. Get straight with your point."

"I think I'm pregnant." I blurted.

Natahimik naman si Taylor sa kabilang linya dahilan para mas lalo akong kabahan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ingay at kaluskos kasabay ng tunog ng susi sa kabilang linya.

"I'm on my way. Let's confirm it on the hospital." Seryosong saad nito at pinatayan ako ng linya.

Napahilamos ako ng mukha ko at napabuga ng hangin. Tinitigan ko ang sarili kong mukha sa repleksiyon ko sa salamin. Kinagat ko ang labi ko at napapikit nang mariin.

Anong gulo pa ba ang papasukin ko bago ako tuluyang makawala kay Deus? Tinatakasan ko na nga bakit hinihila pa rin ako pabalik sa kaniya? Pagod na ako.

Nag-ayos ako ng sarili ko. Ramdam ko ang pagkirot ng sintido ko sa mga nangyayari ngayon. Kung hindi ko pa nakita ang calendar ko kanina ay hindi pa ako magkakaroon ng ideya sa mga nangyayari ngayon.

"May kakilala akong doktora. We can contact her for your private check up since this will be sensitive lalo na ngayon ay kilalang-kilala ka sa showbiz. This would be a huge disappointment if ever that your conclusions are true." Seryosong sabi sa akin ni Taylor habang nagmamaneho.

"Hindi ko alam."

"Savi naman! Nakipagchukchakan ka pala kay Vergara pero wala kang sinabi sa akin. Hindi ko alam ang reaksiyon ko noong sinabi mo sa akin na pakiramdam mo ay buntis ka. Noong una gusto kong sabihin na baka nagbibiro ka lang pero nang maalala ko ang tungkol sa pag-gain mo ng weight nitong mga nakaraan ay kinutuban na rin ako."

Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.

"I'm sorry. Isang beses lang naman kasi iyon." Pagdadahilan ko kahit na alam kong walang kwenta. Rinig ko na napamura si Taylor kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

"Isang beses lang iyon pero may nangyari pa rin at kapag may nangyari alam mong pwedeng makabuo! Sana inisip mo iyan.:"

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Sa puntong ito alam ko talagang may mali rin ako.

"Hindi ko alam gagawin ko. Mahalaga sa akin iyong project na kasama si Rion. First movie ko iyon pero kung nagkataon na totoo ito baka mawala lahat ng plano ko."

"Hindi lang dapat iyan ang iniisip mo. Ngayon pa lang ay naaawa na ako kila Tito at Tita dahil paniguradong disappointed ang mga iyon sa'yo. Si Lux din. Ihanda mo na sarili mo, alam mong baliw iyong kakambal mo. Magwawala iyon panigurado."

Napahawak ako sa sintido ko dahil lahat ng sinasabi ni Taylor ay naisip ko na rin. Alam kong hindi matutuwa sila Mom and Dad pati na rin si Lux. Sinabi ko na sa kaniya na hindi na ako gagawa ng bagay na may kinalaman kay Deus. Natutuwa na rin para sa akin si Mom and Dad dahil nakakaya ko ng lagpasan ang araw na hindi nalulungkot dahil kay Deus.

Marami na akong nabago sa sarili ko sa mga nakalipas na buwan kahit maikli lang iyon at hindi pa ako handa na humarap kay Deus lalo na sa pagkakataong ito.

"Problema pa si Deus. Hindi natin alam kung matatanggap niya na nakabuo kayong dalawa. Gago pa man din iyon at nakipagbalikan pa sa ex niyang higad."

Napaiwas na lamang ako ng tingin. Kalat na ang balitang iyon nitong nakaraan na nagkabalikan na si Deus at Leana. Magsisinungaling ako kung sinabi kong hindi ako apektado pero wala na akong magagawa.

"Tang'na naman kasi, bakit ngayon pa? Bakit nagbunga pa iyong katangahan mo noon?" Gigil na sabi niya kasabay ng pagbuntong-hininga ko.

Hurts so Good [✓]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora