CHAPTER 27

874 29 1
                                    


Chapter 27

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Hey, kanina ka pa check ng check ng phone mo." Untag sa akin ni Lux. Nasa hotel na kami ng isla at inilabas muna ni Taylor ang kambal para magpahangin.

Umiling ako sa kaniya at tinago ang phone ko sa Gucci bag ko. "Wala, nagchecheck lang ako ng notifs sa instagram."

Tinanguan niya naman ako. "Puntahan ko lang saglit si Koko." Paalam niya sa akin.

Hindi naman ako nagsalita at hinayaan lang siyang umalis ng kuwarto na io-occupy naming dalawa kasama ang kambal. Koko is actually fine with it though minsan ay nakita ko na rin itong sumimangot nang mapagkamalan kami minsan ni Lux na magkasintahan.

Naiiling na lang ako at napapangiwi sa mga pagkakataon na nasasabihan kami ni Lux na bagay daw kami tapos magugulat na lang sila kapag nalaman na magkapatid kami at higit sa lahat magkambal pa.

Humiga muna ako sa kama ko nang panandalian. Hindi ako nagkakamali sa pagpunta ko rito. Napaka-ganda pa rin ng Nella Aryz at kaunti na lamang na improvement ay parang City in the middle of the sea na ang itsura nito. Napakaganda at nakakatuwa.

Preskong hangin ang bumungad sa amin pagkababa pa lamang namin ng sinakyang barko. Mabilis rin kaming inasikaso ng mga tauhan ni Nella Garcia na ipinadala niya para lang sa pamilya ko.

Ipinikit ko sandali ang mata ko para makapagpahinga. Mamaya pa lamang ay magpapa-breastfeed na naman ako sa kambal at nakakapago ang biyahe papunta rito. Marami pa akong gagawin sa mga susunod na araw kaya kailangan kong mag-ipon ng lakas.

Nagising ako sa maliit na kamay na bahagyang tumatapik sa mata ko.

"Gisingin mo si Mommy, Victoria."

Hindi ko mapigilan na mapangiti at kusa nang bumangon. Nagbababy talk pa si Mommy habang kausap si Victoria.

"Mom..." Tawag pansin ko sa kaniya.

Ikinaway niya naman ang kamay ni Victoria sa akin.

"Tanghalian na, hindi ka pa kumakain."

Ngumuso naman ako at tinatamad na tumayo. "Kakain tayo sa restaurant sa baba? Nasaan na sila Daddy, Lux at Lev?"

Inabot sa akin ni Mommy si Victoria kaya agad ko itong kinuha para buhatin. Subo-subo pa nito ang kaniyang kamay na agad ko namang kinuha at pinunasan.

"Don't put your fingers inside your mouth, Victoria." I seriously said at her as if she can understand me. To my surprise, she started crying.

Nanlaki naman ang mata ko at natawa si Mommy.

"Don't you find her name long?" Out of nowhere na tanong ni Mommy habang inaalo ko si Victoria.

"Is it long? Rhian Victoria."

"I like to give her a nickname."

"What nickname?"

Ngumawa pa lalo si Victoria at napasimangot na ako. Gutom na ito kaya nagtatantrums na.

"Tori."

My eyes widened upon hearing the cute nickname that she made for my daughter.

"It's cute, Mom. Sure, you can call her Tori."

Napangiti naman siya.

"Mom, susunod ako. I'll just feed her." Paalam ko at tinanguan naman ako ni Mommy at umalis para bigyan ako ng privacy at doon ko na itinuon ang pansin ko kay Tori.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now