CHAPTER 8

845 26 4
                                    

Chapter 8

Hurts so Good

selimwarrior's note: Unti-untiin lang natin at sulitin ang bawat kabanata. I'll wait for your feedbacks and reactions for this chapter. I'm also open for reading your predictions. :)

Savi.

"TRENDING ngayon iyong tungkol sa pagpirma mo sa CKF Media Company ng kontrata. Damn, you're finally doing it." Proud na sabi ni Taylor sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Finally, I'm back to shape again."

"I'm also excited for our upcoming movie." Nakangising sabi ni Rion sa akin.

Inirapan ko naman siya. "Alam mo, ikaw ang mas excited kaysa sa mga ViOn's shipper."

"Why not? Malay mo may kissing scene iyon." Nang-aasar na sabi niya sa akin at napahalakhak naman si Taylor.

Kakatapos lang ng photoshoot kanina at itong si Taylor ay nag-aya na kumain kamin tatlo ng sabay sa lunch.

"Kumain na nga lang kayo." Naiiling na sabi ni Taylor.

"Ano palang plano niyo bukas?" Tanong ni Rion.

"I have appointment at Vista Company for a video commercial shooting." Sabi ko sa kaniya.

"Oh, so we won't be able to meet tomorrow? May photoshoot pa ako eh, invite ko sana kaya kaso may lakad din pala kayo bukas."

Tumaas ang kilay ko. Sa totoo lang alam kong busy rin naman si Rion pero ang creepy ng ngiti niya ngayon. Naiirita ako. Parang gusto kong ibuhos iyong pineapple juice ko.

"What? Hindi naman talaga kami madalas sumama sa photoshoot mo." Sabi sa kaniya ni Taylor na mukhang naguguluhan din sa inaasta ng sarili niyang pinsan.

"It's an underwear photoshoot."

Nabilaukan ako dahil sa sinabi niya at napainom ng pineapple juice. Lalong lumawak ang ngisi niya nang makita ang reaksiyon ko kaya binato ko ito ng masamang tingin.

"Pft." Pigil na pigil si Taylor sa pagtawa dahil sa reaksiyon ko.

"What kind of reaction is that, Savi? Hindi ba normal lang naman sa inyong mga babaeng tumitingin sa katawan ng lalake?" Natatawang sabi ni Rion sa akin.

Tumayo ako at sinabunutan ang medyo mahaba na nitong buhok.

"Huwag mo akong binibiro ng ganiyan baka kapag sinakayan ko magulat ka." Nakangiwing sabi ko sa kaniya.

"Why not, Savi? Pwede mo naman akong pagnasaan."

"Pagnasaan my ass." Irap kong sabi at natawa na lamang si Taylor na nakikinig sa asaran namin ni Rion.

"Dati pa kayong aso at pusa. Kung hindi ko lang alam na may gusto ka kay---"

Tinaas ko ang kamay ko at pinandilatan siya ng mata.

"Huwag mong babanggitin iyong pangalan niya." Malamig na sabi ko na ikinatahimik naming tatlo.

"Stupid. Hindi ka pa rin nakakamove-one?" Walang ganang tanong ni Rion.

"Hindi dahil sa hindi pa ako nakakamove on. Dalawang buwan na rin ang nakalilipas. Basta ayokong marinig iyong pangalan niya dahil naiirita na ako."

Taylor chuckled. "Naninibago ako sa'yo."

"Nagising na lang ako isang araw na namamanhid na ako. Pagod na pagod iyong pakiramdam ko at nagising ako sa katotohanan na hindi naman natapos ang mundo ko ng umalis siya."

"B'tch, you've cried for a week. Sinong hindi mapapagod?"

"Nah, not just a week. She's been crying for the whole decade of chasing a wrong guy." Nakaismid na turan ni Rion.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now