CHAPTER 20

834 23 3
                                    

Chapter 20

Hurts so Good

Selim Warrior 

Koko.

"Are you really fine? You can come over in our house if you're feeling lonely, Savi." Lux said over the phone.

Mataman ko siyang tinititigan habang abala siya sa pangangamusta sa kakambal niya. He's always worried about Savi. Hindi man nito sabihin sa akin ay alam kong hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya nakakamusta ang kapatid nito at kung paano siya tratuhin ng asawa niya.

Lux is always like this. Kahit noong kami pa lang ay lagi niyang inuuna si Savi sa kahit sino. Kahit sa akin pa. He's too perfect for a brother unlike Tobio na hinahayaan lang akong gawin kung anong gusto ko. Sa volleyball lang kami parehas na seryoso at doon din kami magkasundo.

"I'm alright. I only checked on you because Riex Kim told me that Deus left for a business trip."

Tumango-tango pa si Luxury na tila may sinabi si Savi sa kaniya at naiintindihan niya iyon. Pinagkrus ko naman ang dalawang binti ko.

Kailan ba sila matatapos mag-usap?

"Okay, bye."

Nakahinga ako nang maluwag nang ibaba na ni Luxury ang telepono at bumaling sa akin.

"You're here again." Aniya at hindi na bago sa akin iyon.

Halos mag-tatatlong linggo na simula nang umuwi ako rito sa Pilipinas kasama si Tobio para lang dalawin siya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakukumbinsing magkabalikan kaming dalawa.

Nagpapakipot. Sumimangot ako at binalingan siya.

"I'm free. Let's eat lunch together." Pag-aaya ko kasabay nang pagbukas niya ng laptop niya para mag-scan ng ilang documents. Napakaseryoso ng mukha niya habang nagtratrabaho kahit ganon ay napakasarap pa rin niyang panoorin.

"Koko, don't you have some friends to hang out with?"

"I want my boyfriend to go with me. May problema ka ba doon?" Nakalabing sabi ko at nagpapaawang tumingin sa kaniya.

Tiningnan niya naman ako at bahagyang napangunot ang noo nito habang nakatingin sa akin kaya naman itinaas ko ang kamay ko para paglaruan ang hibla ng mahaba at kulay ube na buhok ko.

"You still wear wigs."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagya kong ibinaba ang kamay ko na kanina lang ay nilalaro ang hibla ng buhok ko at nawala na rin ang ngiti sa labi ko.

"D-Don't you like it?"

Bumuntong-hininga si Luxury. Napaiwas naman ako ng tingin. He's the reason why I wear wigs to achieve a long hair. Way back when we're kids, he already told me that he only likes girl with long hair.

I'm a simple minded person. I've let my hair grow longer when we're in high school so I could show it off to him. I like Luxury more than anyone. He's the reason why I change the way I dress and the way I carry myself. Bata pa lang ako ay nabibilib na ako sa kaniya dahil bukod sa matalino siya, nakikita ko rin kung gaano siya mag-alala at magmahal sa kapatid niya. Lagi kong iniisip na kung kaya niyang mahalin nang sobra-sobra ang kapatid niya mas maswerte ang babaeng mamahalin niya talaga.

I was only 15 years old when I told Luxury that I like him ever since we're just kids. I didn't expect that Luxury will agree to go out with me. We're not an ordinary couple. Kung gaano ako ka-busy sa pagpra-practice ko sa sarili kong sports ganon din si Luxury sa pag-aaral niya. Hindi kami madalas magdate sa labas. Pupuntahan niya lamang ako sa bahay para samahan akong magreview ng mga lessons na namissed ko at siya mismo ang magpapaliwanag sa akin ng mga activities na hindi ko alam ang gagawin.

Luxury is not that sweet but he often gives me an encouragement to grow as a better person. Hindi ko nga maalala kung nag-away ba kaming dalawa noon dahil napaka-intindihin niya. Magtatampo lang naman ako kapag hindi siya nakapunta sa mga game ko pero most of the time gumagawa siya ng paraan para makadalo sa araw ng mga laro ko.

Senior high ako nang napilitan akong putulin ang mahabang buhok ko. Mas madali kasing maglaro kung maikli lang ang buhok. Nagpa-boy cut ako. I saw how disappointed he is after seeing my hair but he hides it with his smile and told me, 'it suits you.'

The next day I've told to my Dad to buy me some wigs. I wear the long haired wig and show it for Luxury. He said nothing but I just continue wearing it when I'm with him. Nakasanayan ko na kaya hanggang ngayon ginagawa ko pa rin kapag kasama ko siya.

"I'm no longer the boy who said he doesn't like girls with short hair, Koko. You can stop wearing those and just be you." Natulala ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. Dahan-dahan niyang inalis ang wig na nakalagay sa ulo ko at bumalandra sa kaniya ang buhok kong maikli.

Mapait akong napangiti at bahagyang nahiya dahil doon.

"Girls with long hair are pretty." Ani ko samantalang hindi nawawala ang koneksiyon ng mga mata namin sa isa't isa. Maya-maya pa ay gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ni Luxury. Tila may dumaloy ng kuryente sa katawan ko nang abutin ni Luxury ang mukha ko gamit ang palad niya. It feels so warm.

"You are already beautiful in my eyes, Koko. It's always been you."

Tumigil sa pagtibok ang puso ko. Nariyan na naman ang mga paru-parung nagliliparan sa loob ng tiyan ko dahil lamang sa sinabi ni Luxury na iyon ay nakahinga ako nang maluwag. Ang totoo ay lagi akong nag-aalala na baka ayaw na sa akin ni Luxury. Baka napagod na siya at ayaw na niyang maghintay para sa akin. Marami akong negatibong iniisip pero sa mga oras na ito ay napatunayan niya sa akin na wala dapat akong ipag-alala.

Nangilid ang mainit na likido sa mga mata ko.

"Hontoni?" (Really?) Nakalabi kong paninigurado sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"I've missed the long-haired Koko but I missed you more. You as my girlfriend."

Doon ko ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya. Miss na miss ko na rin naman siya kaya nga ako umuwi dito.

"Bakit ba kasi nagpapakipot ka pa? Mahal mo rin naman pala ako." I said between my sobbed.

"Aalis ka kasi ulit. Ayoko lang ma-attached sa'yo dahil baka sa susunod hindi ko na kayanin na umalis ka ulit sa tabi ko at gumawa ng paraan para mapanatili ka lang dito." Mariin na pagdadahilan niya.

Kumawala ako sa kaniya at ang halos magkapantay na ang mukha naming dalawa.

"Being tall is my asset." Nakangising sabi ko at hinalikan siya nang marahan lamang ngunit napangiti ako nang sunggaban niya rin ako ng halik at wala akong nagawa kundi tugunan ito.

Parehas kaming hinihinga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.

"That was so good." Tulalang sabi ko at marahan na natawa si Luxury dahil sa sinabi ko.

Hinawakan ni Luxury ang kamay ko at banayad na pinisil ang mga iyon. Napatingin ako sa kaniya habang ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"L-Lux, chase is already over."

Umiling siya sa akin. "Not until you stay with me for a lifetime."

Ngumiti naman ako. "I'll be a better girlfriend this time, Lux."

Maliit ang ngiti niya sa akin.

"I have no problem about you as my girlfriend. The thing is I want to become selfish enough and be your priority this time, Koko."

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now