CHAPTER 26

931 27 11
                                    

Chapter 26

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

It's Saturday morning. Nagpla-plano kami nila Lux na lumabas at mamasiyal sa Nella Aryz. Plano pa lang naman at medyo malayo ang isla ng Nella Aryz kaya pinag-iisipan naming mabuti. May upcoming photoshoot kasi ako doon at gusto kong isama ang kambal.

Karga-karga ko sa bisig ko ang anak kong si Rohan Lev. Samantalang si Rhian Victoria naman ay nasa kuwarto ni Luxury at nilalaro ito. Habang tumatagal ay napapansin ko na mas malapit nga si Victoria kay Luxury. Mama's boy naman si Lev.

Tahimik lang si Lev at si Victoria ang malaro at madaling patawanin. Marami silang pinagkaiba. Hindi katulad namin ni Lux na marami kaming similarities. Parehas silang gustong-gusto ni Mom and Dad dahil napaka-cute daw nila. Siyempre dugong Labrusca, ano pa ba?

Si Lev ang nauna ng isang minuto at kalahati kay Victoria. Hindi ko makakalimutan iyong unang beses ko silang nakita. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib ko. Iyak ako ng iyak habang nakatingin sa kanila. Sabik akong hawakan sila ngunit may parte rin sa akin na natatakot akong makitang masaktan sila. I've made them use Labrusca as their surname. Kapag pinapakilala namin ang kambal ay lagi naming sinasabi na Labrusca sila but we all know inside of our family that I've named them using Deus' surname on their birth certificate.

Ayokong ipagkait kay Lev at Victoria na isa silang Vergara.

"Good morning, Savi."

Namilog ang mata ko nang madatnan ko si Riex sa sala at may dalang bulaklak. Naglumikot naman si Lev sa bisig ko kaya agad ko itong sinuportahan sa likod at mas hinawakan nang mabuti.

"Anong ginagawa mo dito?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay kahit na tatlong beses sa isang buwan kung dumalaw si Riex sa bahay.

Naiilang ako sa presensiya niya. Iyon ang totoo.

"Nangangamusta lang. Congrats sa pagbabalik mo sa pagiging modelo." Nakangiting sabi niya. Isinenyas ko na ibaba na lamang niya ang bulaklak na para sa akin dahil hindi ko naman iyon mahahawakan dahil hawak-hawak ko si Lev.

"Salamat."

Napadako ang tingin niya kay Lev. "Your son really looks like him."

Bumuntong-hininga ako. "I won't deny that fact, Riex. Anak niya pa rin sila."

"Kamusta kayo?"

Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa. Bakit ba mahalaga sa kaniya na malaman mismo sa akin kung kamusta na kami ni Deus kung pwede naman niyang tanungin ang kaibigan niya?

"We're still not in contact. Mahigit isang taon na kaming hindi nag-uusap. Malamang nakipagbalikan na iyon kay Leana."

Hindi ko namalayan na napaka-bitter pala ng tono ko nang sabihin ko ang huling linya na iyon kay Riex.

"You're right. Okay na si Deus kay Leana kaya dapat kinakalimutan mo na siya, Savi. Marami pa namang lalake sa tabi mo."

Natawa naman ako nang mahina. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong matanggap ang salitang iyan mula sa'yo, Riex. Kaibigan ka ni Deus."

"Kaibigan niya ako pero alam kong mas may nararapat sa'yo, Savi."

Umiling ako. "Hindi ako interesado sa mga ganiyang bagay, Riex. Ilang beses ko pa ba iyang uulitin sa'yo?"

Ngumiti siya sa akin. "Naiintindihan ko."

Naramdaman ko na bumigat na lalo si Lev habang nakahilig sa dibdib ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil nakatulog ito nang mahambing habang karga-karga ko siya. Maantukin talaga si lev.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now