CHAPTER 36

836 23 6
                                    

Chapter 36

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Tulala ako nang makauwi ako sa bahay. Hindi akoagd nakababa ng kotse. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kaba at gusto ko na lang maiyak. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ako tinigilan ni Riex.

Natatakot ako.

Wala sa sariling naglakad ako papasok ng bahay.

"Savi."

Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa hagdan nang may humigit sa akin. Tila nakuryente naman ako at agad na winaksi ang kamay ng humawak sa akin.

Natigilan na lamang ako nang makita ko si Deus na salubong ang dalawang makapal na kilay habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag pero wala ka sa sarili mo. May nangy--- ano iyan?" Ang kanina ay nag-aalalang mukha nito ay napalitan ng galit. Nagbaba ako ng tingin sa parte ng balikat ko kung saan siya nakatingin.

Nangilid ang luha sa mga mata ko at hindi makapagsalita. Iyon iyong bakas na iniwan ni Riex kanina.

"Damn it, Savi! Magsalita ka! Sino gumawa niyan?!"

Napatakip ako ng mukha ko at impit na naiyak.

"Anong nangyayari dito?"

Ibinaba ko ang kamay ko at mabilis na yumakap kay Daddy na kararating lang sa bahay at nasa likuran niya si Mommy. Agad niya akong dinaluhan ng yakap at napahagulgol na naman ako.

"What happened?" Bakas ang pagkaseryoso ni Daddy at alam kong si Deus ang tinatanong niya kaya agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya at umiling.

"It's not his fault, Dad." Lumapit si Mommy at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Kinuha ko ang panyo mula sa kaniya at ako na mismo ang nagpunas sa sarili kong luha.

"Who did that fvcking bruise on your shoulder, Savi? I'll just kill him for you." Mariin at pilit ang pagkamahinahon na sabi ni Deus.

Ngayon ko lang siya nakitang nagagalit hindi dahil sa akin kundi sa ibang tao na gumawa sa akin ng mali.

Kumuha sandali si Mommy ng tubig at inabot iyon sa akin at pinakalma ko naman ang sarili ko.

"Hush now, Savi. You're home so you're safe. Tell us what happened."

"Nasaan ang mga bata?" Tanong ko muna kay Deus. Nakadamit pantulog na ito.

"Natutulog na. You don't have to be worried about them 'cause I'm taking good care of the twins."

Huminga naman ako nang malalim. "Gaya ng alam niyo, galing ako sa Bar ni Tito Chase to celebrate Riex's birthday but things happened."

Muling nangilid ang luha sa mata ko at pumiyok ang boses ko sa dulo. Kapag naaalala ko iyon ay sumisikip ang dibdib ko at natutulala na lamang ako. Alam ko ang mangyayari sa amin kung sakaling hindi siya tumigil. He almost raped me.

"Savi..."

Umiling ako kay Dad habang nakatulala. "I'm not meeting him again, Daddy."

Napatakip si Mommy ng bibig niya at kumuyom naman ang kamao ni Deus. Maya-maya pa ay naglakad ito papunta sa pintuan.

"Deus, saan ka pupunta?" Tanong ni Daddy sa kaniya.

"Magpapalamig ako ng ulo, Tito. Hahanapin ko lang si Riex." Madilim ang mukhang sabi nito.

"Kung anong ibinabalak mo ay itigil mo na lamang iyan. Walang nagagawang maganda ang taong napapangunahan ng galit. Samahan mo na lamang si Savi na magpahangin sa labas."

Napatingin naman sa akin si Deus. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresiyon niya. Unti-unti iyong kumalma hanggang bumuntong-hininga siya.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"Let's go, Savi."

Tinanguan ako nila Mommy at Daddy bago ako tumayo at sumama kay Deus na hawak-hawak ang kamay ko at iginigiya papunta sa garden.

Tumigil kaming dalawa nang makarating roon at parehong natahimik.

"I'm going nuts, Savi. Gusto kong bugbugin si Riex ngayon. I'm worried." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata.

Kumibot naman ang labi ko habang diretso rin na nakatingin sa kaniya.

"Why are you suddenly getting worried to me like this? Bakit sobrang concern mo sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko at nakita kong napabuntong-hininga siya at nagbaba ng tingin.

"Savi..."

"Lagi mong pinapaalala sa akin na ayusin natin ang kung ano man na meron sa pagitan nating dalawa dahil may pamilya tayo pero iyon lang ba talaga iyon? You're just worried about me because I'm the mother of your kids."

Napatiim-bagang si Deus at inilapit niya ako sa kaniya at niyakap.

"I don't know."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kasabay ng pag-ngiti ko nang mapait. Alam ko naman na wala lang lahat ng mga ito dahil kahit siya ay hindi niya alam pero umaasa pa rin ako.

"Bakit hindi mo na lang ibaling ang atensiyon mo sa iba? Stop giving me false hopes, Deus. Pagod na ako na makipaglaro sa'yo. You told me to continue the chase pero ako lang naman ang laging taya. Ang hirap mong hulihin o baka kasi ayaw mo talagang magpahuli." Puno ng lungkot at hiannakit na sabi ko sa kaniya ng nararamdaman ko.

"But where not kids to play games anymore, Savi."

Tumango-tango ako habang nanatili siyang nakayakap sa akin. I was silently wishing that this hug means something. Kung hindi lang naninikip ang dibdib ko ngayon sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ay baka nakaramdam pa ako ng kilig ngunit hindi.

"I was so scared when Riex tried to harassed me. I was trembling and frightened at the same time but I've never thought that someone will going to save me so I just cried. I was so hopeless."

"I'm sorry."

"You are not my prince nor my knight."

"I'm sorry."

"I'm not also your princess so why would I expect you to come?"

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Then next time I'll come to save you. Ours will never be compared to a fairytale. Our relationship is full of pain, misery and regrets. I'm not a prince and you're not a princess but I'll make sure to treat you better this time, Savi."

And I cried again thinking that this time, we can meet each other in the middle. No one will chase one another and this time we will try our best to change for the better.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now