CHAPTER 38

777 21 9
                                    

Chapter 38

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Dylan Camello." Kunwari'y formal na bati ko nang makakuha ako ng tiyempo na malapitan sila Taylor at Dylan sa reception.

Sinimangutan naman ako ni Taylor at siniko. "Baliw ka talaga. Nagtatampo ka pa rin?"

"Medyo. Nakakainis ka kasi."

"Dapat sinama mo iyong kambal."

"Eh? Iniwan namin ni Lux iyong magpipinsan kila Daddy."

Natawa naman siya at napailing. "Anyway, salamat sa pagpunta. Sorry inunahan na kita. Ang bagal niyo kasi ni Deus."

Inirapan ko naman siya. "May boyfriend na ako."

Nanlaki naman ang mata niya. "Wow. Just wow. Nakuha mo ng mag-boyfriend kung kailan may anak ka? At sino naman ang malas na lalakeneng iyan?"

Sinamaan ko muli siya ng tingin. Grabe si Taylor. Kung kailan pa nagkaroon na ako ng pag-asa ay tiyaka naman nito nakuhang magbiro.

"Malamang si Deus."

"Kunwari hindi ko in-expect." Natawa siya sa akin at si Dylan naman ay naiiling na lamang habang pinapanood ang asawa.

"Tagal niyo rin bago kinasal. Sobrang nagpakipot si Taylor." Biro ko kay Dylan.

"Che, mas matagal pa rin ang pagpapakipot niyo ni Deus sa isa't isa. Inabot ng twenty seven years grabe!"

"Bakit may pag-atake?" Nakasimangot na sabi ko at kunwaring humawak pa sa dibdib ko at umaktong nasasaktan.

"Sorry, I'm late."

Naagaw ng pansin naming tatlo si Rion na kararating lang. Nakasuot ito ng tuxedo at kulay blonde na ang buhok nito ngunit bumagay sa kaniya dahil sa maputi niyang kutis.

"Andiyan na pala iyong pinsan kong artista." Naiiling na sabi ni Taylor.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Rion ngunit bago pa lamang siya makalapit ay may pumulupot ng kamay sa bewang ko.

"Care if I join with the chat?" Kaswal na bungad ni Deus at napailing na lamang ako dahil sa inakto niyang pang-aangkin sa akin maging ang bagong kasal ay nangingiti sa kaniya.

"Grabe simula nang maging sila, sobrang saya ng kambal." Ani naman ni Lux na kakalapit lang sa amin.

Magkahawak kamay silang dalawa ni Koko. Napangiti na lamang ako dahil kahit pinapalibutan ako ng mga married couples ngayon ay wala akong maramdamang inggit.

Kuntento na rin ako eh.

"Savi, hindi na masiyadong speed ang kalandian mo ngayon. Ganon ba kapag kumakalawang na?" Nang-aasar na tanong sa akin ni Taylor.

"Maybe she just learn to be happy in small things. Seriously, kuntento na kayo?" Tanong naman ni Koko.

Si Rion naman ay tahimik lang na nakangiti habang nasa amin ang atensiyon.

"If you don't still have a plan to tie the knot maybe I should go first?" Rion joked.

Lumapit si Taylor sa kaniya at pabirong sinikuan ito. "Maawa ka na kay Savi. Nilampasan na siya ni Lux, nilampasan ko pa."

"Wala namang problema sa akin. Meron ka na bang ipakikilala sa amin, Rion?" Makahulugan ko namang tanong sa kaniya at pilyong ngumiti ito sa amin.

"I can get any girl I want now."

Hurts so Good [✓]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum