INTRO

794 14 5
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME.

This book may contain a lot of grammatical errors, spelling mistakes, etc. due to the author's laziness in proofreading the story. Thus, beware of imperfect story writing if you wish to continue.
 
Any of the images used in this story do not belong to the author. It's all credit to the rightful owners. Thank you!

+++++

INTRO


"What!? Kakauwi ko lang, Elaine! Trabaho agad, pwede ba magpahinga muna? Kauupo ko lang oh!" minasahe ko ang sentido.


Kakauwi ko lang galing Los Angeles dahil dito namin ishushoot yung mga scenes sa gagawin kong music video. Next week pa dapat ang start ng trabaho ko kaso mapapaaga ata dahil sa ponyetang Asteroids na 'yon.

"Hindi ba sila makahanap ng ibang kakanta?" iritado akong bumaling kay Elaine na ngayon ay may kausap sa cellphone niya.

Napairap ako ng senyasan niya akong manahimik muna. Siya itong may kailangan, e. Aayawan ko lalo 'yon tagalan niya pa.

Kinuha ko ang appointment notebook niya kung saan nakalista ang dapat kong matapos. May one week akong rest day dapat bago magshooting para sa bagong kantang irerelease at yung concert ko rin na gaganapin sa araneta colliseum next month at may mga guesting pa sa TV show. Tambak pala ang dapat kong tapusin tapos may idadagdag pa!

Ang dami-daming sikat at magagaling na singer diyan. Si Gail Lopez or si Lewis Santos, kahit sino sa kanila or yung mga underrated singers para sumikat at mabigyan ng opportunity. Pwede namang hindi na ako.

"Anais,"

Lumingon ako sa pinsan ko at para na siyang maiiyak.

"Ano!?" sigaw ko sa kaniya.

"Please, pumayag ka na. Wala lang talaga kong maipalit na singer kay Wendy na nasa pangangalaga ko. Hindi pa ready sumabak yung iba at ikaw lang din yung nandito sa Pinas kaya sinabi ko na ikaw na lang muna ang mag-s-sub kay Wendy!" mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"What the fuck, Elaine?! Dapat sinabi mo na i-postpone na lang nila! Makakapag-intay naman siguro sila!" iritadong sabi ko.

Halos pigain ko na ang sentido ko sa sobrang irita. Alam niya naman na lumalayo na ko sa mga 'yon! Um-oo pa siya!? Kaya ayoko na talagang bumalik dito e.

"Bakit ba nawala 'yang si Wendy ng biglaan!?"

Nagulat si Elaine sa pagsigaw ko pero pinagsawalang-bahala ko na lang. Sobrang naiirita ako sa kaniya! Alam niya yung issue ko sa mga 'yon tapos ngayon makakasama ko pa sila? Makakasama ko pang kumanta yung bokalista nila!

"May emergency kasi sa probinsya niya. Yung papa niya ay nabarog at kritikal ang lagay. Sobrang nag-aalala siya kaya umuwi muna." paliwanag ni Elaine.

Mariin kong naipikit ang mata. Wala na akong magagawa, tungkol naman sa pamilya niya yung emergency niya kaya sige, sasaluhin ko na yung iniwan niyang trabaho. Pero kasalanan talaga 'to ni Elaine, e. Kung hindi sana siya pumayag sa pakikipagkontrata sa manager nung mga 'yon edi sana walang ganito at hindi pa siya pumalya.

Tumayo na ako. "Tara na," mapait kong sabi kay Elaine.

Nagningning ang mga mata niya. "Pumapayag ka na!?" masiglang aniya.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now