VERSE XII

129 6 17
                                    

Verse XII: Papa

"You're so gorgeous especially tonight, my love." nakangiting sabi ni Basti bago ako maingat na itinayo.

Pinatakan niya ng halik ang pisngi ko bago umalis para makabalik sa table nila. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina pa. Hindi tuloy maalis ang ngiti sa labi ko.

After ng eighteen roses ay hinipan ko na ang kandila at nag-umpisa na silang gumayat sa cake at nangunguna ro'n sila Zian at Isaias, talagang cake lang ang habol ng isang 'yon, e. Pagtapos no'n ay nag-toast naman at sumunod ay tumugtog ako ng lyre at kumanta. Marami akong instruments na kayang tugtugin dahil hilig ko talaga ang pagkanta at pagtugtog ng mga instrument.

Pagtapos ng performance at speech ko para sa mga umattend ay nagsiuwian na ang mga bisita pati ang relatives namin ay umuwi na. Inasikaso lang nila Mommy ang mga bisita na pauwi bago sila umalis ni Daddy, aalis na kasi sila paibang bansa. Sila Ate Zia at Kuya Zoren ay dumaretso sa guest room matapos na malinis ang bulwagan ng mansyon ni Lola, magpapahinga na raw sila. Si Lola Antonia naman ay kanina pa nakaakyat sa kwarto niya pagtapos ng eighteen candles dahil bawal siya mapuyat at mapagod ng sobra dahil may edad na.

Huling umuwi sila Basti, nauna pa nga sa kanila sila Mommy, e. Nang inalis niya na ang mask na suot ay doon ko lalo nakilala na siya si Basti. Nilagyan ng contact lens yung eyes niya. Hindi rin naman sila nagtagal at umuwi na rin. Ala una na rin kasi ng gabi.

"Hoy! Ano 'yon? Ba't may pagkiss sa pisngi kanina?" intriga ni Elaine.

Napangiti na naman ako ng maalala 'yon. Nagconfess na siya na may gusto siya sa'kin at kami na pero hindi ko pa pala naamin sa kaniya na may gusto rin ako sa kaniya.

"Baliw na 'to. Nangiti na mag-isa, e." natatawang sabi ni Gail.

Hindi na muna kami umuwing tatlo. Magmovie marathon kasi kaming tatlo dahil wala pa namang pasok.

"Kami na ni Basti," nakangiting sabi ko bago humiga sa malambot kong kama.

"OMG!" dinig kong tili ni Gail.

"Legit ba 'yan?" 'di naniniwalang sabi ni Elaine na tinanguan ko lang. "Baka ginayuma mo siya ah?" nagdududang tanong ni Elaine.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. "Hindi 'no!" sabi ko.

Hindi ko gagawin 'yon 'no. May tiwala ako sa sarili ko na magugustuhan ako ni Basti kaya hindi ko na kailangan pa na manggayuma.

Kesa manood ay pinagkwentuhan namin ang nangyari sa'min ni Basti simula nung pag-uwi ko rito hanggang sa nangyare kanina. Para nga akong nanay ng dalawa na nagbabasa ng story book para patulugin sila dahil tinulugan nila ko.

Hindi pa ako nakakaramdam ng antok kaya naman naisipan kong buksan ang mga regalong natanggap ko. Regalo ni Axle ang una kong nahawakan kaya naman 'yon ang una kong binuksan at mamahaling perfume ang binigay niya sa'kin. Sunod kong binuksan ang kila Isaias hanggang sa hindi ko pa rin nabubuksan ang kay Basti kaya naman hinanap ko ang kaniya.

"There you are!" masiglang sabi ko sabay kuha ng may purple na gift wrapper.

Maingat ko itong binuksan. Kinabahan ako ng muntik na itong mapunit buti ay hindi. Nang tuluyan ko ng mabuksan ay inilabas ko ang laman nito. Napakunot-noo ako ng makita ang hairband na may design na mga purple. Inikot ko ang hairband at may nakitang kulay itim na maliit na pasquare. Pinindot ko ito at biglang umilaw ng puro purple.

"Wow! Ang cute!" masiglang sabi ko.

Isinuot ko ito sa'king ulo bago nagpicture and pinost sa story ko sa messenger. Nilagyan ko pa ng caption na "Thanks, dude" pero maliit lang at nasa ibaba para hindi pansin. Kakapost ko pa lang no'n pero lima na agad ang nakaview. Biglang tumunog ang cellphone ko, may nagmessage.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now