VERSE IX

112 7 12
                                    

Verse IX: Ideal

Inintay ko na tumingin si Basti sa'kin pero hindi 'to nangyari. Dumating na rin ang parents niya at hindi naman ako gaanong kinabahan. Magaan ang pakikitungo nila sa'kin. Nakipagkwentuhan pa nga ang mga ito sa'kin.

"Ang sarap naman nito!" I said cheerfully while eating ube.

Pwede raw ito ilagay sa halo-halo, yung palamig.

Natawa sila sa'kin. "Ate danda, melon ka sa ipin mo!" sabi ni Sam at itinuro ang ngipin niya.

"Aw!" natawa rin ako.

Napasulyap ako kay Basti na napapailing habang tinatawanan ako. Ipinadaan ko ang dila ko sa harapan ng aking ngipin para maalis yung tinuturo ni Sam. Ipinakita ko sa bata kung meron pa at maligaya itong umiling.

"Gusto mo ba mag-uwi, Anais?" nakangiting tanong sa'kin ng Mama ni Basti, Mama namin.

"Pwede?" tanong ko at tumango si Mama. Napangiti ako. "Thanks! Magugustuhan 'yan ng pamangkin ko!" masiglang sabi ko.

Nginitian ako nito bago 'ko tinalikuran, mukhang aasikasuhin na ang ipapadala sa'kin. Tindera kasi ng ube at kalamay si Mama habang tricycle driver naman si Papa. Mukhang hindi pa naman gano'n katanda si Mama habang mukhang mas ahead ng ilang taon si Papa, or gawa lang talaga na medyo seryoso siya?

Bumaling naman ako sa katabi kong si Sam nang kulbitin niya ako.

"'Usto ko lin anyan buhok," natawa ako dahil sa pagkabulol nito.

Four years old na si Sam, mag-f-five. Si Zian naman ay four years old na ngayong taon. Sam is one year older than Zian pero mas matangkad ang pamangkin ko rito. Sinuklayan ko ang brown at kulot niyang buhok, ang ganda ng batang 'to. Maraming maghahabol sa kaniyang lalaki paglaki niya, parang sa kuya niya lang kaso babae at lalaking may pusong babae nga lang.

"Gusto mo isama kita sa salon? Pakulay ka rin ng ganito?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Tsige!" sagot niya. Tumango ito habang pumapalakpak.

"Napaka konsitidor mo." napalingon ako sa kalalapit lang na si Basti. Nakatingin ito sa'kin bago bumaling kay Sam. Iniluhod niya ang isang tuhod upang mabalanse ang sarili. "Sam, bawal ka magpakulay ng buhok." malambing na sabi ni Basti.

Ngumuso si Sam. Sumulyap ito sa'kin, binigyan ako ng malungkot na tingin.

"Pelo usto ko 'yon," naiiyak na sabi ni Sam.

Itinikom ni Basti ang labi niya at tumingin sa'kin. Sa paraan nang pagtingin niya ay mukhang nanghihingi siya ng tulong. Mukhang konsintidor din naman siya pagdating sa bunsong kapatid tapos tatawagin akong konsintidor.

I smiled. "Sam," tawag ko rito ngunit kay Basti ang tingin. Nang humarap sa'kin si Sam ay sa kaniya ko na itinuon ang tingin. "Dadalhin kita sa salon na nagkulay sa buhok ko. Pero–" naputol ang sasabihin ko ng magtatalon ito bigla sa tuwa.

"Yey! Tsama din natin kuya Basti!" masiglang sabi niya at nagtatalon.

Pinigilan ko ito sa kakatalon at iniharap sa'kin. Nakangiti ito kaya kitang-kita ko ang ngipin at gums niya sa bandang gitna dahil wala siyang ngipin do'n.

"May pero, Sam." ani ko bago ngumuso.

"'Nong pelo?" inosenteng tanong niya. Magkasiklop ang kaniyang mga kamay habang inosente ang nakatingin sa'kin.

"Pero hindi pa ngayon. Kapag mag-c-college ka na, doon pa lang kita maisasama, bawal pa kasi sa bata 'yon." paliwanag ko rito.

Ngumuso siya nung una kaya naman sumagi sa isip ko na hindi siya payag pero biglang sumilay ang ngiti sa maliit niyang labi.

Melancholic Melody (Asteroids I)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant