VERSE XV

129 5 2
                                    

Verse XV: Kakaiba

Matapos kumain ay nagbabad pa kami saglit bago namin naisipan na umuwi. Pinagamit na sa'kin ni Basti ang t-shirt niya at ipinulupot ang towel niya sa baywang ko habang nakasakbit naman sa balikat ni Basti ang towel ko. Magdidilim na rin kasi kaya umuwi na kami. Wala pa naman kaming dalang phone.

Nang makarating sa bahay ay narito na sila Lolo't lola. Maingay ang bahay dahil maraming tao at parang may inuman. Sa likod na pinto kami dumaan kaya walang nakapansin sa pagdating namin.

"Dumaretso ka na sa banyo. Ako na kukuha ng damit mo." sabi ni Basti.

Nakangiti akong tumango bago nagpunta sa banyo. Nang makapasok sa loob ay lalong lumawak ang ngiti ko ng maalala ang nangyari kanina. Hinawakan ko ang labi ko at naalala ang halik. Hindi 'yon ang first kiss ko at sa lahat ng labing nakahalikan ko ang kay Basti ata ang kaadikan ko. Ang lambot at tamis ng labi niya.

Inalis ko ang suot na tuwalya bago isinunod ang shirt ni Basti. Isinampay ko ang mga ito sa kawayan na nasa itaas. Akma ko ng aalisin sa pagkakahook ang bra ko nang makarinig ako ng kalabog sa labas. Agad kong isinuot ang shirt ni Basti at ipinulupot ulit ang tuwalya bago binuksan ang pinto.

"Tangina mo, Atoy!" mura ni Basti sa nakalupasay na si Atoy.

Hindi pa nakakatayo si Atoy nang patungan siya ni Basti. Napatili ako ng sunod-sunod na suntukin ni Basti si Atoy. Sinubukang gumanti ni Atoy pero liyo na ata siya at hindi na makalaban.

"Oh my gosh!" sigaw ko.

Lumapit ako kay Basti at hinila siya palayo pero masyado siyang matigas kaya hindi ko nahila. Tumakbo ako palabas at bumungad si Lola Selya sa'kin.

"Lola! Help me! Nakikipagsuntukan si Basti and ayaw niya magpaawat!" kinakabahang sabi ko.

Nagulat ang matanda bago tinawag si lolo. Pumasok sila kasama ang kainuman ni Lolo at dumaretso sa banyo. Agad akong sumunod sa kanila. Inawat ng kainuman ni Lolo si Basti at Atoy. Kumawala si Basti.

"Papatayin ko 'yang gagong 'yan!" galit na sigaw ni Basti.

Lumapit ako kay Basti at yinakap siya. Nang mapatingin sa'kin ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Galit na galit pa rin siya.

"Hijo, ano gang-"

"Sinisilipan ng gagong 'yan si Anais!" sigaw ni Basti.

Natigilan ako sa narinig at tinignan si Atoy. Hindi na nito maidilat ng ayos ang mga mata niya. Lalapitan ko sana siya para sampalin nang biglang napatili si Lola Selya. Sinubukan kasing kumawala ni Basti para sugurin si Atoy buti naalerto ako at hinigpitan ang pagyakap sa kaniya kaya hindi siya makawala.

Gusto ko rin saktan ang Atoy na ito pero ayoko namang pakawalan si Basti dahil siguro akong matutuluyan na ang Atoy na ito kapag nakakawala si Basti.

"Fuck! Let me go! I need to kill that bastard!" galit na sabi ni Basti.

Natatakot ako habang yakap-yakap si Basti. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya na kating-kating suntukin si Atoy.

Umiling ako. "P-please, Basti. Calm down." naiiyak kong sabi.

Nang marinig ni Basti ang mumunting hikbi ko ay pinilit niyang kumalma at yinakap ako pabalik ng mahigpit. Hinalikan ni Basti ang tuktok ng ulo ko at paulit-ulit na humingi ng tawad. Narinig ko na inutusan ni Lola na dalhin palabas si Atoy hanggang sa kami na lang ni Basti ang naiwan dito.

"I'm so sorry. Hindi dapat kita iniwan."

He cupped my face with his bare hands. Pinawi niya ang luha sa'king pisngi bago niya isinandal ang noo niya sa noo ko. Tinitigan ko siya at nakapikit ang kaniyang mga mata. Ang bigat ng pagbuntong-hininga niya at parang pilit na kinakalma ang sarili.

Melancholic Melody (Asteroids I)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora