VERSE XVI

113 6 2
                                    

Verse XVI: Move on

Napaisip ako kung anong nangyari kay Basti at parang iritable siya pero wala akong maisip na dahilan no'n. Napabuntong-hininga ako at tinignan ang cellphone na hawak. Dahil may ten minutes pa naman ako ay naisipan kong mag-online muna at tinawagan sila Elaine. Buti sinagot nila agad.

"My gosh! Buti napatawag ka! Kanina pa kita hindi macontact!" pasigaw na bungad ni Gail.

Nakahiga na siya sa kama niya at gising na gising pa habang si Elaine naman ay papikit-pikit na.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Remember yung nagperform ka sa auditorium yung 'di sumipot si Basti?" tanong niya na tinanguan ko. "Vinideohan kita no'n, right?" tanong niya na tinanguan ko lang ulit. "Pinost ko kasi 'yon sa Youtube channel ko and may dm sa'kin sa ig. Tinatanong if gusto mo raw ba maging trainee ng entertainment nila. I know naman na gustong-gusto mo maging singer someday pero siyempre hindi ako kagaya ng pinsan mo. Sinabi ko na iaask pa lang kita kung g ka ba. Kasi nasa'yo ang final decision." nakangiting sabi niya.

Natigilan ako sa narinig. May plano na kasi kami ni Basti kung saan mag-aaral at kung saang entertainment kami mag-o-audition, kasama yung apat siyempre.

"Iintayin ba nila na makatapos ako ng college?" tanong ko.

Umiling si Gail. "Uh, nope, parang ano habang nag-aaral ka, mag-uumpisa ka na rin sa career mo." sabi niya at napaisip ako sa sinabi niya. Bigla niyang ipinitik ang daliri. "Naalala ko pala! Hindi siya dito sa Philippines. Sa Germany ka mag-aaral pero sagot na nila lahat ng gastusin mo. Kaso nga lang malalayo ka kay Basti pero mga ilang years lang naman. Mahigpit kasi yung entertainment na 'yon. Bawal makipagmeet sa kahit na sinong guy at tuwing vacation lang kayo pwedeng umalis sa school." paliwanag niya.

Napabuntong-hininga ako sa narinig. Gusto ko man na maging singer pero gusto ko na makamit 'yon na kasama si Basti. Ayoko rin na maging sikreto ang relasyon namin. Hindi niya nga ginawang pasikreto ang relasyon namin kahit na marami ang nasaktan noon at gusto ko rin na maging gano'n sa kaniya.

"Thank you, Gail, pero ayoko. May plano na kasi kami ni Basti, e." nakangiting sabi ko.

Ngumuso si Gail. "Sayang kasi yung opportunity, Anais." malungkot na sabi niya. "Kung gusto mo kakausapin ko si Basti? Sasabihin ko yung about dito? For sure, against 'yon sa decision mo."

Umiling ako." Thank you talaga pero hindi na magbabago ang decision ko." nakangiting sabi ko. "Favor pala, Gail."

"Sure. Ano 'yon?"

"'Wag mong sabihin kay Basti yung tungkol sa nag-alok."

Masiglang tumango si Gail. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil gabing-gabi na sa kanila at sleepy na raw siya. Ibinalik ko na rin ang phone kay ate Zia.

Inutusan niya ako na maligo na kaya sinunod ko. Nang makauwi sila daddy ay dumaretso kami sa Private Cemetery ng mga Asuncion pero hindi rin kami nagtagal dahil umulan ng malakas. Hindi ko tuloy naikwento kay Lola Antonia ang tungkol kay Basti.

Kinabukasan ay umuwi na kami dahil magpapasukan na. Parang kurap nga sa bilis ang sembreak e. Gusto ko pa makasama si Basti, mga one month.

Nang maglunes ay inagahan ko ang ligo dahil excited ako na makita si Basti pero wala palang nag-iintay na Basti sa labas.

"Uh, baka nakila Rem!" nakangiting sabi ko kaya naglakad ako papunta sa bahay nila Rem.

Nang makarating do'n ay wala akong naabutan na kahit na sino kundi ang palabas na si Rem lang. Bakas sa kaniya na puyat dahil medyo maitim ang ilalim ng mata niya.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now