VERSE I

407 12 7
                                    

Verse I: Type


"Welcome back, Anais!"

Napairap ako ng hindi manlang marinig ang sigla sa mga boses nila. Nakakailang ulit na sila at hindi manlang nagbabago ang tono ng boses. Plain at matamlay. Hindi ba sila masaya na umuwi na ko? I'm their princess back then tapos pagbalik ko ay ganito nila akong babatiin?

"Aren't you guys eating vegetables? Parang wala manlang kayong sigla sa katawan niyo!" iritadong sabi ko at inirapan ang apat na lalaking nasa harapan ko.

Sabay-sabay silang bumuntong-hininga ngunit inirapan ko ulit sila.

"What the fuck!? Dapat talaga di na natin sinundo 'tong maarting 'to!" angal ni Theo at dinuro ako. Hinuli ang kamay niya balak ko sanang durugin kaso naalala ko na nagbabanda nga pala sila.

Baka 'di na siya makapag-guitar.

"You're maarte rin kaya!" sigaw ko pabalik kay Theo at inirapan din ako. "Ulitin niyo! Batiin niyo naman ako ng may sigla!" dagdag ko.

Bumuntong-hininga sila at hindi pa rin nagsalita. Tinaasan ko sila ng kilay ngunit hindi nagpatinag ang mga ito. Aba't! Ayaw ako mga batiin!

Inirapan ko sila. "Whatever," at tinalikuran ko sila. "Tss! 'Di niyo na sana ko sinundo! Ayaw niyo naman pala!" madramang sabi ko at pinarinig sa kanila.

Nilagpasan ko sila at nag-umpisa ng maglakad dala ang bagahe ko. Gusto ko na sana silang balikan at ipabuhat ang bag ko ngunit ayoko namang magmukhang katawa-tawa. Binagalan ko ang lakad para masiguradong maabutan nila ako. Hindi ako matitiis ng mga 'to.

"Akin na nga 'yan!" masungit na sabi ni Axle at kinuha ang mga bagahe ko.

See? Hindi ako natiis ni Axle.

I smirked. "Aw! Thank you, Axle! You have pasalubong from me!" masiglang sabi ko at sumulyap sa likod. Binelatan ko ang tatlo na nakasunod sa amin.

Inangkla ko ang aking kamay sa braso ni Axle at hinayaan niya lang naman. Wala naman kasing malisya ito sa akin at sa kaniya, we're just friends. Kaso namamali ng intindi ang mga tao kasi chismis agad. But I don't fucking care to the losers like them. Duh? I'm still the prettiest among them all.

Sumakay kami sa SUV. Si Rem ang nag-d-drive. Nasa shotgun seat si Axle habang katabi ko naman sa likod ang dalawa. Tinatanong nila ko kung may pasalubong din daw ako sa kanila.

"Wala!" sagot ko at inirapan sila.

"Weh? Meron, e!" nakangiting ani Theo.

Inirapan ko siya. Of course, meron. Pero hindi ko muna sasabihin. Duh.

"Wala nga! Dalawa ang pasalubong ko kay Axle at yung isa dapat para sa'yo kaso you didn't greeted me properly so wala na." maarting sabi ko at nginitian siya.

Parang nagunaw naman ang mundo niya sa narinig. Yung matagal niya na kasing hinahabilin sa'kin ay album from his favorite band at may signature pa ng lahat ng members sa banda. Ang hirap nga nung gusto niya tapos hindi manlang akong magawang batiin ng maayos.

"E, ako, Anais?"

Nabaling ako kay Isaias na parang maamong tupa na ngayon. Kanina ay para siyang bagong gising tapos ngayon akala mo nakainom ng Vita Milk at masigla na ulit tignan.

"Wala rin. Tsk." sabay irap ko.

Panay ang parinig sa akin ng dalawa. Wala na raw ang limited band shirt ni Isaias sa favorite band niya habang paulit-ulit naman si Theo sa pasabi ng "Album ko".

Hindi ako nagpatinag at hindi pinansin ang dalawa. Nagsuot ako ng earphones para di marinig ang sinabi nila. Inopen ko ang Facebook account ko and I received a lot of messages from my friends in L.A. pero hindi muna ako nagreply. Mamaya na lang siguro pag-uwi. Sunod kong inopen ay ang Ig account ko.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now