VERSE XXVII

129 5 0
                                    

Verse XXVII: Favorite

"Oh my gosh! I miss you, ate!"

Natawa ako nang muli akong yakapin ni Sam. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan siya. Kahit na thirteen years old pa lamang siya ay tingkad na tingkad ang ganda niya. Manipis ang baywang ngunit mabalakang siya. Hindi siya mukhang thirteen years old lang dahil sa tangkad at ganda ng katawan niya. Isama pa ang kulay ash brown at may highlights ang buhok niya na bumagay sa kaniya.

She looks innocent and matured at the same time. Paniguradong maraming nagkakandarapa rito gaya ng sa mga kuya niya.

"I miss you, too. By the way, nice color. Bagay sa'yo." nakangiting sabi ko.

Humagikhik naman siya at hinila ako papasok sa bahay nila. Napalingon tuloy ako kay Basti. May sinasabi si Steve sa kaniya pero parang hindi naman siya nakikinig dahil nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Napailing at natawa ako sa itsura niya.

"'Wag mo pansinin 'yan, ate! Maarte lang talaga 'yan." bulong ni Sam.

Lalo akong natawa sa sinabi niya. Hindi pa rin nawawala ang kakulitan niya. Maraming nagbago sa physical appearance niya pero yung Sam na nakilala ko noon ay gano'n pa rin naman. Makulit.

Dumaretso kami sa dining area kung saan nag-iintay sina Zian at Zyril. Tumakbo palapit sa akin si Zyril para yumakap sa baywang ko habang seryosong naglakad palapit sa akin si Zian. Ginulo ko ang buhok nito ng makalapit sa akin.

"Tata!" iritadong sabi niya.

Natawa ako sa reaksyon niya. "Ang selan mo naman, big boy." biro ko.

"Nabusted kasi siya." singit ni Sam.

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Sam. Sinulyapan ko siya ngunit ibinalik din agad ang tingin kay Zian. Nahuli ko itong pinalalakihan ng mata si Sam pero nang makita ako na nakatingin sa kaniya ay napanguso siya. Mukha pa ring bata si Zian pero dahil sa seryoso niyang ugali ay nagmumukha siyang sixteen years old plus yung height. Mas matatangkad pa sila sa akin e.

"May nililigawan ka na? Ang bata mo pa ah?" sermon ko.

"Twelve na ko, Tata!" depensa ni Zian.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Bakit parang naalala ko ang sarili ko sa kaniya? Gosh! Sana pala ay hindi ako ang pinaglihian ni ate dati.

"Twelve ka pa lang. Bata ka pa rin. Madami ka pang dapat matutunan. Kaya mag-aral ka muna bago 'yang ligaw-ligaw na 'yan." paninermon ko rito.

"But, Tata!" parang batang aniya at nagpapaiyak.

"Tamo nagtatantrums ka pa. Tsk. Tsk. Tsk." umiiling na sabi ko at nagkunwaring nadismiya.

Mabilis naman na umayos ng tayo si Zian at naupo sa pwesto niya kanina. Nilingon ko ang isa ko pang pamangkin, si Zyril. Mahaba ang buhok nito na umaabot hanggang balikat. Hindi ko mapigilan ang sarili patakan ng halik ang mataba nitong pisngi. Nakakagigil.

"Hello, baby Zy. How are you? Inaaway ka ba ni kuya Zian mo?" nakangiting tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Nope. 'Di kami aaway, nagsusuntukan lang." sabay hagikhik niya at tumakbo pabalik sa tabi ng kuya Zian niya.

Hindi ko mapigilan ang mapasampal sa aking noo dahil sa sinabi niya. Ang kulit ng dalawang 'to at paniguradong makulit din ang bunso nilang kapatid.

"Oh? Ba't umuwi ka agad? Katatapos lang ng concert niyo ah?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Kakababa lang ng mag-asawang Salvador. Nakatalikod sila sa gawi ko kaya paniguradong hindi pa nila alam na nandito ako. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Basti habang kausap ang magulang niya.

Melancholic Melody (Asteroids I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon