VERSE XIII

111 6 12
                                    

Verse XIII: Endlessly

Walang sabi akong tumakbo palabas ng bahay. Nabitawan ko pa yung dala kong pinggan nung pababa ako. Nang makarating sa labas ay agad akong sumakay sa taxi-ng nakatigil.

"Anais!" dinig kong tawag ni Basti.

"Sa malayong bar," sabi ko.

Agad na sinunod ng driver ang utos ko. Hindi ako lumingon sa likod pero nakita ko sa rearview mirror na humabol si Basti. Hindi niya kami naabutan dahil nga natakbo lang siya. Mabilis din magpatakbo si Manong driver kaya hindi na kami naabutan ni Basti.

Napahagulhol ako.

Si Basti pala ang tatay ni Zian. Kaya pala gano'n na lang ang galit ni ate Zia nung makita niyang magkasama kami ni Basti, kaya rin pala ayaw niyang si Basti ang maging escort ko. Si Basti pala yung boyfriend ni ate Zia noon pati yung lalaking nakabuntis sa kaniya. Ba't nga ba hindi ko 'yon napansin e ang laki ng pagkakahawig nila, sa kulay lang ng mata nagkaiba.

Lalo akong naiyak habang pinagtatagpi-tagpi ang nangyayari. Mariin kong piniga ang dibdib ko dahil sa sakit ng puso ko.

"Tubig, oh." dinig kong sabi ng driver.

Pamilyar ang boses niya kaya naman akin siyang nilingon.

"Sander?!" gulat kong sabi.

Sumulyap siya bago inalis ang itim na sumbrelong suot.

"The one and only," sabay ngisi at kinindatan pa ako.

Napaawang ang labi ko ng makumpirmang siya nga.

"Kuhain mo na 'tong tubig. Nangangalay na ko." aruganteng sabi niya.

Medyo naninikip na rin ang dibdib ko kaya kinuha ko ang tubig na wala pang bawas at pinangalahatian. Hindi ko na ito ibinalik sa kaniya. Ayoko ngang may makahati sa tubig.

Biglang sumagi sa isip ko si Basti. Noong nagpapractice kami para sa cotillion ay naghati kami sa tubig. Naramdaman ko ang pamamasa na naman ng mga mata ko hanggang sa naiyak na naman ako. Agad ko rin tinuyo ang pisngi ko, hindi ako dapat umiyak.

Bumaling ako kay Sander na pasulyap-sulyap sa rearview mirror.

"Malayo pa b-ba?" nagcrack ang boses ko ng magsalita.

I bit my lower lip. Hindi na pala ako dapat na magsalita pa.

"Dito na tayo." sabi ni Sander bago ipinark ang sasakyan. Bababa na sana ako ng pigilan niya ako. "Bayad," sabi niya at naglahad ng kamay.

Nangapa ako sa damit ko at naalalang walang bulsa ang damit ko kaya wala akong ibang dala kundi sarili ko lang.

Napansin ni Sander na wala akong maibibigay bago siya bumuntong-hininga.

"Wala ka naman palang pambayad. Sinayang mo lang gasolina ko." dismayadong aniya.

"B-bayaran kita kapag nakauwi ako sa bahay." sabi ko bago bumaba sa sasakyan niya.

"Hoy! Sa'n ka pupunta?" tanong niya nang maibaba ang window ng car niya.

"Iinom." sagot ko.

"Wala kang pera!" aniya.

Natigilan ako at naalalang wala nga pala akong dalang kahit ano. Bumaling ako sa kaniya bago naglahad ng kamay.

"Pautang," sabi ko rito.

Napanganga siya sinabi ko bago umiling. "Ayoko-"

"Doble ibabayad ko." sabi ko rito.

"Magkano ba?" tanong niya bago naglabas ng wallet.

Melancholic Melody (Asteroids I)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora