VERSE XXI

123 6 1
                                    

Verse XXI: Ring

"Ma'am, kinabog niyo pa po yung mga apo ng ikakasal e!" sabi ni Elona at humagikhik.

Nilingon ko ang grupo nila Myla na nagseselfie sa arc na dadaanan nila mamaya. Wala pa ang ikakasal at puro mga binata't dalaga pati mga bata ang nakikita ko. Ibinalik ko ang tingin kila Elona na katatapos lang maglagay ng puting mantel sa bawat upuan.

"Oo nga, Ma'am Anais." suhol ni Fiona.

Natawa ako sa kanila. Alam ko naman 'yon.

"Magaganda rin sila." puri ko.

Totoo naman na maganda ang lahi nila. Kaya nga naging girlfriend ni Basti si Myla.

Biglang tumili ang isa sa babaeng pinsan ni Myla at may itinuro. Napakunot-noo ako nang makitang namula si Myla kaya nilingon ko ang gawi kung saan nakaturo ang pinsan niya. Nawala ang pagkakunot-noo ko nang makita si Basti na nakapamulsa habang naglalakad palapit kila Myla.

Tumingin ako kay Myla at naabutan ko siyang nakatitig kay Basti at namumula habang ang kasama niya naman ay kinikilig habang pinapanood si Basti. Ibinalik ko ang tingin kay Basti at napaawang ang labi ko nang lagpasan niya ito. Daretso ang kaniyang tingin sa akin. Sumulyap ako kay Myla na nakaawang din ang labi.

"Hey," tawag niya nang tuluyan nang makalapit sa'kin.

Dahil matangkad siya ay natabunan niya ang tinitignan kong si Myla. Itinaas ko ang tingin sa kaniya at nakita ko na tumatabon na naman ang mahaba niyang buhok sa mukha niya kaya hinawi niya ito.

"Ba't di mo ipitan 'yang buhok mo? Baka matusok ang eyes mo. Mamumula 'yan." sabi ko.

Muling tumabon ang buhok niya sa kaniyang mukha kaya sinuklay niya ito.

"Wala kong pang-ipit." umiiling na sabi niya.

Tinanguan ko siya at bumaling sa dalawang babae. Hindi pa ako nagsasalita ay inabutan na nila ako ng kulay itim na pang-ipit sa buhok.

"Wala po 'yang tutchang, Ma'am." sabi ni Elona at natawa sila ni Fiona.

Napakunot-noo ngunit tinanggap pa rin ang ipit at nagpasalamat. Nagpaalam ang dalawa na iiwan muna kami kaya hinayaan ko na sila. Inaya ko naman si Basti sa pinaka malapit na duyan dahil hindi ko siya maabot. Ang tangkad kasi.

Naupo si Basti sa duyan habang nagpunta naman ako sa likuran niya at inumpisahan ng suklayin ang buhok niya. Natuwa ako sa pagsuklay dito dahil ang lambot at kapal nito.

"Parang ganto din kahaba buhok mo dati ah?" tanong ko at inumpisahan ng ipinusod ang buhok niya.

Pahalf-ponytail ito. Hindi kasi abot ang maikli niyang buhok kaya yung kaya lang ang isinama ko sa nakapusod.

"Uh, yeah. Pinapabawasan ko lang kapag medyo humahaba na." sagot niya.

"Ayaw mo magpagupit? Or mag-try ng ibang hairstyle?"

Naglakad ako papunta sa kaniyang harapan at napanguso. Sa tingin ko ay mas madami ang magkakagusto sa kaniya sa ganitong ayos ng buhok. Mas maraming babae ang magkakandarapa sa kaniya.

Tumingala siya sa akin at hinawakan ang buhok niyang nakapusod.

"Anong hairstyle ba gusto mo?" tanong niya.

Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ako tinatanong mo? Sa'yo 'yang buhok kaya ikaw dapat magdecide."

Nagkibit-balikat siya. "Gusto mo ba magpagupit ako?" pagsasawalang-bahala niya sa tanong ko.

Lalo akong napakunot-noo. "Gaya ng sinabi ko. Sa'yong buhok 'yan kaya ikaw ang magdecide."

"Anong gupit ba gusto mo?"

Melancholic Melody (Asteroids I)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें