VERSE XI

114 6 9
                                    

Verse XI: Official

"Nasa invitation card ang pangalan ko kaya ako pumunta pero kung ayaw mo na nandito ako ay aalis na lang ko." nawala ang ngisi ni Basti sa kaniyang labi at seryoso lang ang tingin sa'kin.

Ang kaninang inaantok kong diwa ay nagising dahil sa narinig. Who says na ayaw ko siya dito? E siya nga ang pakay ko talaga rito. Pero wait, ngayon na nandito na siya ay ibig-sabihin ba nito ay pumapayag na siyang maging escort ko? Kaso si Rem na ang nakalagay sa invitation.

"Aalis na ko." nahimigan ko sa boses nito na parang nangongonsensya siya.

He was about to leave but I hold his arm. Hindi siya pwedeng umalis!

"N-no! Nasa invitation card ang name mo kaya ba't ka aalis?" panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

I caught him smirked pero nawala rin agad. Ibinalik niya agad ang seryosong ekspresyon niya. Nakipagtitigan ako sa kulay abo niyang mga mata, hindi ko mabasa ang ekspresyon nito, it looks mysterious. Tinignan ko ang left eye niya at nakita ang mole sa mata niya. Hindi ko pa rin mapigilan na mamangha ro'n.

"Let's start! Let's start!" dinig kong utos ni Joseph at pumapalakpak pa.

Pumwesto na kami at lumapit sa'kin si Yaiko. Si Rem talaga dapat ang kapartner ko pero iba ang nilapitan. Ewan ko ba do'n. Baka type niya yung pinsan ko.

Mag-uumpisa na dapat kaming sumayaw nang biglang may humarang kay Yaiko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Basti. Seryoso ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa'kin.

"Bro, ako ang ka-partner ni Anais." iritableng sabi ni Yaiko at hinawakan ang balikat ni Basti.

Napatingin si Basti sa left shoulder niya kung nasa'n ang kamay ni Yaiko bago humarap dito. Likod niya na lang tuloy ang nakikita ko.

"Sabi nino?" sarkastikong tanong ni Basti.

Nag-umpisa ng sumayaw ang mga kasama namin dito habang nagbibigayan naman ng matalim na tingin ang dalawa nila Basti. Nasa likod kami nakapwesto kaya naman hindi kita na may namumuong tensyon dito sa dalawa.

"Nagpapaturo ako kay Anais. Kaya pwede ba? Umalis ka riyan? Nakaharang ka kasi." iritadong sabi ni Yaiko.

"E kung ikaw kaya ang umalis. Nakipag-switch sa'kin si Rem kaya dapat lang na sa partner niya ako mapunta." bakas na rin sa boses ni Basti ang iritasyon. "Tsaka kanina pa kayo nagsasayaw ah? Ano wala ka bang natututunan?" mapang-insultong dagdag ni Basti.

Bumaba sa'kin ang tingin ng dalawa nang pumagitna ako sa kanila. Mukha kasing wala silang balak na tumigil sa pagbabangayan nila at napapatingin na sa'min yung ibang malapit lang sa pwesto namin. Napatigil si Theo at Elaine sa pagsasayaw na napatingin na rin sa'min.

"Stop it na nga! Wala tayong pare-parehong matututunan kung hindi kayo titigil diyan!" iritableng sabi ko.

Nag-iwas ng tingin si Basti sa'kin habang nagpapaawa naman si Yaiko. Gusto kong turuan pa si Yaiko pero kailangan ko rin naman maturuan ng basic steps si Basti. Nag-iwas ako ng tingin kay Yaiko at bumaling kay Gail na siyang ka-partner ni Yaiko.

Naka-indian seat si Gail sa sahig habang kumakain ng Nova. Nakangisi siya habang pinapanood kami kaya pinanlakihan ko ito ng mata. Bruhang 'to! Kailangan niya pang turuan si Yaiko tapos kain lang siya ng kain!

Tumayo na ito at itinago sa dala niyang bag ang Nova na kinakain. Nang makalapit sa'kin ay nginisian niya ako at kinindatan. Parang gusto ko bigla manabunot.

"Ako na magtuturo sa'yo, Yaiko! Don't worry! Magaling ako sumayaw!" nakangising sabi ni Gail bago hinila palayo si Yaiko.

Habol tingin pa ni Basti at Yaiko ang isa't isa, kaya hinampas ko sa braso si Basti para mapabaling sa'kin.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now