VERSE XX

136 8 0
                                    

Verse XX: Pareho

Gaya ng gusto ko ay kinalimutan ko muna ang ginawa niya at hinayaan ang sarili na sabayan ang trip niya. Sinira ni Basti ang sand castle ko kaya naman nilait ko ang ginawa niya. Naglaitan kami sa kani-kaniyang castle na ginagawa bago naghabulan sa dalampasigan, minsan ay nadadapa ako dahil sa malakas na alon at sa tuwing lalapit siya para tulungan ako ay hihilain ko siya kaya pareho kaming natutumba at nababasa.

Habang ginagawa namin ang mga bagay na 'yon ay pansamantala kong nakalimutan ang sakit na siya ang dahilan at ang mga tao sa paligid namin. Pakiramdam ko ay normal na tao ako ulit, hindi yung sikat na Anais.

"Marunong ka ba niyan?" tanong ko kay Basti.

Nakasakay siya sa jet ski at inaaya niya ako na sumakay din roon. May nag-aasist sa'min at kanina pa ito mukhang natatawa sa'min dahil magkakalahating oras na ata kaming nagpipilitan.

"Siyempre. 'Di kita aayain kung hindi ako marunong." nakangising sagot niya.

Ngumuso ako. May point naman siya. Bumuntong-hininga ako bago tumango. Inalalayan ako nung nag-aassist at ni Basti sa pagsakay. Sa likuran niya sana ako sasakay ngunit walang espasyo ro'n kaya wala akong choice at naupo sa harapan niya.

"Kapit ka sa braso ko." utos niya na agad kong sinunod.

Sa paghawak ko sa braso niya ay ang mabilis na pagpapaandar niya sa jet ski. Nagwala ang puso ko dahil sa takot. Napasandal ako sa hubad niyang dibdib at napahigpit ang hawak ko sa braso niya.

"Oh my gosh! Baka tumaob tayo, Sebastien!" paulit-ulit kong sigaw.

Narinig ko ang paghagalpak niya ng tawa.

"Kalma ka lang. 'Di tayo tataob." bulong niya sa tainga ko.

Lalong nagwala ang puso ko. Hindi lang ito dahil sa bilis ng pagpapaandar niya at hindi rin ito dahil sa sinabi niya. Kaya nagwawala ng ganito ang puso ko ay dahil sa simpleng pagbulong niya sa'kin. What the hell, Anais? Bulong lang 'yan, nangangatog ka na agad?

"H-hindi ako kakalma hangga't 'di mo binabagalan ang pagpapatakbo!" pinilit kong patapangin ang boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako para sa kaniya, na naman.

Narinig ko ang paghalakhak niya. "Okay, boss." dinig kong sabi niya.

Binagalan niya nga ang takbo hanggang sa tumigil muna kami sa gitna ng karagatan. Bumitiw ako kay Basti at hinampas ng paulit-ulit ang braso niya.

"Bwiset ka!" paulit-ulit kong sabi habang pinapalo siya.

"Tama na, boss. Baka tumaob talaga tayo niyan."

Tumigil ako sa paghataw sa kaniya at kinalma ang sarili. Ilang beses akong huminga nang malalim dahil sa pagod sa kakasigaw at kakasuntok sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahang pumulupot sa baywang ko. Nabato ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya.

"I miss you, Anais." bulong niya.

Hindi ako umimik. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, para akong uminom ng kape ng maraming beses sa loob ng isang araw kaya nagpapalpitate ang puso ko. Tinitigan ko ang kulay asul na dagat na kumikinang dahil sa sinag ng araw. Hindi ako makalingon sa kaniya.

"I'm... I'm sorry sa nagawa ko." malambing na sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

Parang may nagbara sa lalamunan ko sa narinig at naalala ang nangyari eight years ago. Yung mga pictures ni Basti at Charlotte habang papasok sa hotel at ang maligayang pagdaan ni Basti sa harapan ko kasama si Charlotte kahit na kami pa. Para 'kong isang multo ng mga panahong 'yon, dinaanan at nilagpasan niya lang.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now