VERSE XIX

136 6 2
                                    

Verse XIX: Sand Castle

Nang matapos sa pagshushoot ay nagpaalam ako agad na uuwi na. Ayaw pa nga nila akong payagan dahil sabay-sabay daw kaming magdinner at mag-c-celebrate na rin. Nagdahilan ako na masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman. Magpapaalam din sana ako kay Elaine kaso out of coverage area naman daw kaya nagtext na lang ako. Bigla kasi siyang nawala after maglunch.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa receptionist at tinanggap ang susi ng room ko.

Tinalikuran ko ito at naglakad na papunta sa room ko. Inalis ko ang suot na aviator sunglasses. Tinignan ko ang sarili. I'm wearing a black deep V-neck and backless floral long dress at sa bawat hakbang ko ay nalabas ang makinis at maputi kong left leg dahil sa slit nito.

Naisipan kong magbakasyon muna ng tatlong araw. Namiss ko ang beach kaya nagsearch ako ng private resort dito sa Pilipinas at itong beach resort sa San Juan, Batangas ang napili ko. Pakiramdam ko kasi kailangan ko munang magpahinga sa kakatrabaho. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho ay wala akong naging pahinga maliban na lang kung may sakit.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Elaine dahil hindi ko siya macontact kagabi pa at hindi rin siya umuwi sa condo. Hindi ko alam kung nasa'n na siya pero alam kong okay lang siya. Minsan niya na rin akong iniwan bigla nung nasa L.A. pa kami pero umuwi rin naman siya ng maglunch.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button kung pang-ilang floor ako. Saktong pagtapos ko itong pindutin ay nagring ang phone ko. Agad kong hinanap ang phone ko. Si Elaine yung tumatawag.

"Hello." walang ngiting bati ko kahit hindi niya naman nakikita.

"Anais, nasaan ka ba?! Kanina pa kita iniintay dito sa M.E. building!" iritadong sabi ni Elaine.

"I texted you, ah? Magbabakasyon muna ako kaya i-cancel mo muna yung mga projects ko."

"What?! Baliw ka na ba? May meeting ka ngayon para sa shooting ng music video mo!"

I pouted. "Elaine, minsan lang ako nagpahinga kaya pagbigyan mo na 'ko! Tsaka three days lang naman e. Pagtapos nito back to work na ulit." sabi ko.

"Nasaan ka? Safe ba diyan sa pinuntahan mo? Pinagkakaguluhan ka ba–"

"I'm fine. Atsaka hindi naman ako pinagkakaguluhan. May ilang nagpapa-autograph at nagpapapicture 'yon lang pero hindi naman nila ako ginugulo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Elaine kaya naman napangiti ako. Grabe ang pag-aalala niya sa'kin, tinalo niya pa ang parents ko at sila ate Zia e. Alam kong nag-aalala siya hindi lang bilang manager ko kundi bilang pinsan at best friend ko.

"Uh, Anais, nasa'n ka nga–"

Kasabay ng pagtunog ng elevator ay nagshutdown naman ang cellphone ko. Nakalimutan ko kasi ito icharge kagabi at palowbat na nang magising ako. Hindi ko na tuloy naiintindihan ang sinasabi ni Elaine.

Lumabas ako ng elevator at hinanap ang room number ko. Nang makita ay napangiti ako at agad na kinuha ang susi. Nagtaka pa nga ako dahil bukas ang pinto ngunit ipinagkibit-balikat ko na lang. Baka katatapos lang linisan.

Napangiti ako nang makita ang itsura ng kwarto. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang kulay asul na dagat at iilang tao na naliligo. May dalawang kama rito at parehong nakaayos ang comforter at pillows. Lumapit ako sa kamang malapit sa balkonahe. Inilapag ko ang kulay brown kong tote bag na may tatak na Chanel sa kama nang may masipa ako sa sahig.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now