VERSE II

207 11 16
                                    

Verse II: Goal

"Manong, 'wag mo na ko sunduin mamaya. Sasabay ako sa pinsan ko," sabi ko kay Manong Gardo nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Pero po, Ma'am. Habilin ng daddy niyo na hindi kayo pwedeng gumala–"

Inirapan ko si Manong Gardo bago bumaba. "Ako ng bahala kay Daddy, Manong Gardo! 'Saka pinsan ko naman yung kasama ko! Duh?" maarteng sabi ko.

Napabuntong-hininga at tumango na lang si Manong Gardo. Hindi na ko nagpaalam dito at pumasok na sa loob ng school.

Habang papasok sa loob ay ramdam ko ang mga titig sa'kin ng mga nakakasabay kong estudyante. Nginingitian ako nung ilang mga lalaking nakakasalubong ko at nginitian ko rin sila, marami palang maitsura rito.

May nakita akong babaeng umirap sa'kin at hindi ako nagpatalo. Inirapan ko rin siya. Akala mo naman ang ganda-ganda.

Habang papasok ako ay may apat na kotse ang magkakasunod na papasok sa loob ng school. Napatigil sa paglalakad yung ilang mga babae kaya napatigil din ako. Sa likod nung apat na kotse ay isang lalaking nakasakay sa black na sports bike.

Nagtungo sila sa parking lot. Halos sabay-sabay na lumabas ng kotse yung apat at kita ko kung paano kinilig yung mga babae nang makita sila Rem. Napaismid na lang ako.

Anong katili-tili sa mga 'yan?

"Shit! Ang pogi mo, Basti! Partida nakahelmet pa 'yan!" kinikilig na sabi nang babaeng nasa tabi ko.

Sumulyap ako sa babaeng malapit sa'kin bago bumaling sa parking lot. Palapit na yung apat doon sa nakamotor. Saktong nakalapit sila rito ay inalis ni Basti ang helmet niya. Napaawang ang bibig ko habang pinapanood siyang ngumisi sa apat at sinuklay ang kaniyang buhok.

He looks like a hot racer! Ito siguro ang reason kung bakit ang daming babae ang nahuhumaling sa kaniya.

Sa kanilang lima ay si Basti ang mukhang pinakahabulin ng mga babae base sa lakas ng tili ng mga babaeng katabi ko.

Mukha kasi itong suplado kapag hindi nakangiti pero kapag ngumiti naman ay ang amo tignan ng mukha. Pero sa tingin ko, kahit hindi siya nakangiti ay marami pa rin ang humahanga sa kaniya, mas marami ang nagkakagusto sa kaniya.

Kinuha ni Basti ang susi bago bumaba at dala-dala pa rin yung helmet niya. Sabay-sabay silang lima naglakad at parang hindi nila pansin ang tingin ng mga tao sa kanila. Ang lakas pa nga tumawa nila Isaias at Theo e. Parang mga walang pakialam sa nanonood sa kanila.

Napatingin sa'kin sila Isaias at naglakad palapit sa'kin. Nang makalapit na ay itinikom ni Isaias ang bibig ko. Kanina pa ba ko nakanganga? Shiz! That's so embarrassing!

"Naglalaway ka na, e." biro ni Isaias at nagtawanan sila ni Theo.

Hinampas ko ng malakas ang dalawa. "Hindi ako naglalaway! 'Nyeta ka!" inis kong sabi kay Isaias ngunit tinawanan lang ako nito parang 'di nasaktan.

"Ba't ako nadamay!?" tanong ni Theo. Hawak niya ang balikat niya na pinalo ko.

Ang arte niya talaga!

"Kasi nakikitawa ka pa!" sigaw ko at inirapan siya.

Sumulyap ako kay Basti ngunit hindi naman sa'kin nakatingin. Nakangisi siya habang pinapakinggan ang sinasabi ni Axle. Lumapit sa'min si Rem at inakbayan niya ako.

Melancholic Melody (Asteroids I)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora