VERSE XXIV

146 7 3
                                    

Verse XXIV: Swerte

"Seryoso? Hala siya! Mag-c-comeback na kayo?" kinikilig na sabi ni Gail.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyaring pag-uusap namin ni Basti noong isang gabi. Matapos kasi yung pag-uusap namin tungkol sa panliligaw niya ay tumila na ang ulan at hinatid niya na ako pauwi. Galit nga si Elaine nang makita si Basti at walang sabi niyang sinaraduhan ng pinto. Kaya habang nagkukwento ako kay Gail ay puro ismid ang narinig namin mula sa kaniya.

Hindi ko maiwasan na mapasulyap kay Elaine ng umismid na naman siya. Ibinalik ko ang tingin kay Gail na nagniningning ang mga mata.

"Ewan ko." simpleng saad ko.

"Tss." sabay kaming napalingon kay Elaine. "Kunwari ka pa! Sagutin mo na siya, Anais." sarkastikong sabi niya. Umiwas siya nang tingin ngunit binalik din naman sa amin at hinampas ang mesa. "Hay nako, Anais! Last week, tumawag ka sa'kin kasi sabi mo gusto mo na siyang kalimutan. Tapos ngayon... nililigawan ka na niya ulit? Aba! Pinsan ba talaga kita? Ba't... ba't ang rupok mo?!" malakas niyang sabi.

Nagulat ako sa reaksyon niya. Kanina pa siya walang imik kaya palingon-lingon kami sa kaniya. Madalas kasi kapag tahimik siya ay may gusto talaga siyang sabihin at ito pala yung gusto niyang sabihin.

"Pakihinaan ang boses, Elaine. Natutulog pa si Apollo." saway ni Gail.

Lalong na-frustrate si Elaine at padabog na naupo. Nandito kami sa condo ni Gail at ang tinutukoy niyang si Apollo ay yung kasama niyang aso pero ang turing at paraan ng pag-aalaga niya dito ay parang anak niya.

"Contradicting ka, Elaine. Sabi mo, sagutin niya na si Basti tapos ngayon naman nanggagalaiti ka diyan." parang gulong-gulong sabi ni Gail at may pumangalumbaba pa.

"Sarcasm, Gail, sarcasm. 'Di mo ba alam 'yon?" iritadong sabi ni Elaine.

Gusto ko sanang sawayin si Elaine kaso mas maiirita siya kaya hinayaan ko na lang. Buti hindi gano'n ka-madamdamin si Gail at ipinagsawalang-bahala niya ang pagiging insensitive ng pinsan ko. Sanay na rin siguro siya rito. Mas matagal na kasi silang magkaibigan ni Elaine kumpara sa amin ni Gail.

"Aw. Sorry." sabay hagikhik ni Gail. "Pero, Elaine, Anais isn't marupok. Mahal niya lang talaga yung tao kaya kahit na sinaktan na siya noon ay tinanggap at pinatawad niya pa rin ito."

Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagtatanggol sa akin kaso baka isipin ni Elaine ay pinagkakaisahan namin siya. 'Yon pa naman ang pinaka matampuhin sa amin. But at least, may nakakaintindi sa akin.

"Isa ka pa! Nagpapaka martyr ka na naman diyan sa ex mong gago! Hindi ka na ba natuto?" sigaw ni Elaine at tinuro si Gail.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa iritasyon. Paniguradong lalayo na naman ang usapan at magkakatampuhan na naman sila. Hays. Parang mga bata e.

"Elaine, stop it–"

"Huh! Ikaw nga palihim mong dinedate yung driver mong ex-boyfriend mo na nung college! Gago rin naman 'yon ah?"

Pareho kaming natigalgal ni Elaine. Napaawang ang labi ko at dahan-dahang nilingon ang pinsan ko na namumula na ngayon at iniiwasan ang titig namin.

Alam ko yung tungkol sa ex-boyfriend ni Elaine noong college siya pero hindi ko ito kilala dahil hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin. Tsaka nasa Pilipinas sila ng mga panahong 'yon at confiscated ang gadgets ko dahil pinatawag ng Dean sila Mommy dahil doon sa dalawang lalaki na nagsuntukan.

"Si Kyo pala yung..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang makita ang lalong pamumula ng pisngi niya.

Wala ng nagawa si Elaine nang kwentuhan ako ni Gail tungkol sa dalawa. Simula non ay nanahimik na rin si Elaine at hindi na nagreklamo sa panliligaw ni Basti.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now