VERSE V

130 7 10
                                    

Verse V: Treasured

Malapit na kami sa exit nang maalala ko ang paghatid at sundo niya kay Charlotte. Marahas kong inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi pa ko uuwi!" sigaw ko sa kaniya at naglakad pabalik sa loob.

Hindi niya ako dapat basta-basta hinihila at dadalhin dito. Baka hanapin ako ni Harold. Malalagot 'yon kay ate Zia kapag umuwi akong mag-isa at iba ang maghahatid sa'kin. Tsaka mamaya malaman nandito pala yung Charlotte niya, mag-away pa sila 'di ba?

Nabunggo ako sa matigas niyang dibdib ng hilain niya ako pabalik sa kaniya pero humiwalay ako agad. Ang tigas ng dibdib niya at mukhang laman siya sa gym ah!

"Ano ba?!" kunwaring naiirita kong sabi.

"Iuuwi na nga kita!" iritadong tanong niya.

Natigilan ako saglit doon. Bakit parang ang init ng ulo niya? Nag-away ba sila nung bebe Charlotte niya? Siguro binasted na siya ni Charlotte kaya mainit ulo niya.

"Ayokong umuwi kung ikaw ang maghahatid sa'kin!" sigaw ko sa kaniya at tinulak siya ng malakas kaya nakakawala ako sa kaniya.

Bumalik ako sa loob at naabutan si Theo-ng kumakanta. Nagkakagulo ang mga babae gaya ng inaasahan at tuwang-tuwa naman si loko sa atensyon na nakukuha niya.

Lumapit ako sa upuan nila Harold kanina at nagulat ako ng makita roon sila Marian at Gab. Silang dalawa lang ang narito at walang nakibo sa kanila. Seryosong nakatitig si Gab kay Marian habang nakatingin lang sa daliri niya ang babae. Tumingin ako sa dance floor at nagsasayaw si Fae kasama ang boy friends nila at si Jackie.

Napatili ako ng may humila sa'kin at naalala ko na tinatakbuhan ko nga pala si Basti.

"Ano ba!? Ayoko pa nga umuwi 'di ba!?" eskandolosang sabi ko.

May dumaan na waiter na may dalang isang bucket ng beer. Kumuha ako ng isang bote bago ko isinang lagok. Habang umiinom ay nakatitig ako kay Basti na tiim ang bagang. Malapit ko na maubos ang beer nang agawin niya 'to sa'kin. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo.

"Ah, M-ma'am, may umorder na po–"

"'Di ko tinatanong!" sigaw ko sa waiter at binigyan ng matalim na tingin.

Mukhang natakot siya sa'kin dahil dali-dali siyang naglakad palayo. Bumaling naman ako kay Basti na hawak ang bote. Akma ko itong kukuhain ng bigla niyang inangat ang kamay. Hanggang dibdib niya lang ako kaya naman hindi ko na 'yon abot.

"Akin na nga 'yan!" sigaw ko at pilit na inabot 'yon.

Kahit four inches na ang taas ng takong ng heels ko ay hindi ko pa rin siya maabot. Dahil sa lapit namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Ang bango niya naman!

"Ayaw mo pa ba umuwi?" masungit na tanong niya sa'kin.

"Ayoko!" sigaw ko sa kaniya.

Akala ko ay iiwan niya na ko ngunit kinaladkad niya ako papunta sa backstage saktong papasok din sila Rem doon. Nagpumiglas ako kahit na sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. Kumirot ng onti ang ulo ko kaya itinigil ko na ang pagkawala sa kaniya. Dumaan kami sa dagat na katao at pinauna niya ako hanggang makapasok sa backstage.

"Ako na lang mag-front man! Tangina! Ang daming maganda sa labas at ang katawan–fuck!" boses ni Theo ang bumungad sa'min ng makapasok na sa loob.

Ang sigla ng boses niya. Syempre, usapang babae e.

Binitawan na rin ako ni Basti at napatingin naman sa'min sila Rem. Wala namang bakas sa mukha nila na nairita sila sa pang-iiwan ni Basti sa kanila kanina. Mukhang masaya pa nga si Theo, e.

Melancholic Melody (Asteroids I)Место, где живут истории. Откройте их для себя