VERSE VII

128 7 20
                                    

Verse VII: Ambulance

"Akala ko ba tatapusin natin performance nila Basti?" inosenteng tanong ni Gail bago kinain ang inorder na sundae.

Inaya ko na kasi silang umalis nang marinig ko ang sinabi ni Salot. Napaisip din ako sa sinabi niya. Siguro nga mabait lang talaga si Basti at walang malisya yung concern na pinapakita niya.

"Narinig nga raw kasi na sinabi ng salot na wala lang yung care na pinapakita ni Basti kay Anais." sagot ni Elaine. "Pa'no mo naman nasabi na ikaw tinutukoy niya?" baling sa'kin ni Elaine.

Bumuntong-hininga ako bago sumandal sa likod ng inuupuan ko.

"She's looking at me kaya alam kong ako yung pinariringgan niya." walang ganang sabi ko.

Kinuha ko ang extra-ng kutsara ni Gail bago kinain ang ice cream sa Mcfloat na binili ko. Nasa Jollibee kami ngayon pero yung pagkain ko ay binili ko sa Mcdo. Sabi ko kasi sa kanila ay doon kami kumain kaso nag-iinarte si Elaine, mas bet niya raw sa Jollibee kaya nandito kami ngayon. Ayaw niya nga akong isama sa loob dahil napaka insensitive ko raw. Sa Mcdo raw ako nag-order pero dito ko sa Jollibee kakain.

"I thought wala kang paki sa mga naririnig mo sa paligid mo e ba't naapektuhan ka?" mataray na tanong ni Elaine.

Inirapan ko siya. Wala akong time sa katarayan niya. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Charlotte. I admit natamaan ako sa sinabi niya. I did assume, lalo na nung naro'n kami sa bar.  Yung pinakitang pag-aalala ni Basti ay parang totoo. Maybe it's true pero as a friend lang kaya siya nag-aalala sa'kin.

"Baka hindi naman ikaw ang sinasabihan niya." dagdag ni Elaine.

Hindi niya naman kailangan magsinungaling para pagaanin ang loob ko. Matagal ng magkasama si Basti at Charlotte kaya alam kong kilala ni Salot si Basti.

"Sino naman ang gusto niyang sabihan ng gano'n? Sarili niya?" sarkastikong tanong ko.

"Siguro." nagkibit-balikat na sabi ni Elaine. "Parang friends lang naman ang tingin ni Basti kay Charlotte. Parang kapatid nga lang ata ang turing niya ro'n." dagdag ni Elaine.

"Yeah, I agree. " sulsol ni Gail na pasimpleng kumuha sa binili kong fries.

Lagi na lang gutom ang isang 'to pero hindi naman nataba.

I pouted. Baka gano'n din ang tingin niya sa'kin. Kaibigan at kapatid lang.

"Hay nako! Nasa'n na ba yung confident at competitive na Zaniyah Anais Asuncion? Parang nagpapatalo na ata?" nanghahamon na sabi ni Elaine.

I smirked. Kahit ako ay hindi ko na alam kung nasa'n na yung confident at competitive na Anais.

Inalis ko sa isip ko ang sinabi ni Charlotte pansamantala dahil ayoko naman na hindi sila mag-enjoy e minsan ko na nga lang sila ilibre.

Pagkatapos kumain ay naglibot na kami. Halos lahat ng boutique ay pinasukan namin ay may nabili kami. Lalo na ang dalawang 'yon. Talagang balak nilang ubusin ang allowance ko at walang balak magtira kahit piso!

Balak pa nilang bumili ng makeup kits kung hindi lang nagkaemergency si Elaine. Nagmamadali itong umalis at hindi na nagpaalam sa'min.

"Sa'n kaya siya pupunta?" tanong ko kay Gail habang pinapanood si Elaine na sumakay sa escalator hanggang mawala na siya sa paningin namin.

"I don't know." nagkibit-balikat na sabi ni Gail bago ako nilingon. Seryoso ang mukha niyang tumingin sa'kin. "Ang martyr ng pinsan mo, Anais." seryosong aniya.

Napakunot-noo ako sa narinig. "What do you mean?" tanong ko.

Umiling siya. Alam kong hindi ko siya mapipilit na sabihin 'yon. Magbibigay siya ng clue pero hindi niya pa rin sasabihin. Gusto niya kasi na yung taong involved mismo ang magsasabi.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now