VERSE XXV

132 5 1
                                    

Verse XXV: Akin

Maraming nakahandang activities ang dalawa. Isa na rito ay yung laro na may ipapahawak na kung anong naroon sa loob ng box habang may blind fold at huhulaan kung ano ito. Tuwang-tuwa kami sa reaksyon ng apat at tanging si Rem lang ang 'di natakot at napasigaw sa paghuhula kung ano yung nasa loob.

"Pwede bang sample? Kanta ka naman, Rem. Hindi ka pa namin narinig na kumanta e." nakangiting sabi ni Mandy.

Mahinang tumawa si Rem. "Punta ka sa concert namin para marinig mo." ngisi ni Rem.

Natawa kami sa sinabi niya. Ayaw niya talaga ng pinapakanta siya. Minsan ko na siyang narinig na kumanta at masasabi kong maganda ito kaso ayaw niya iparinig. Nong narinig ko kasi siyang kumanta ay aksidente lang, nag-away pa kami dahil don.

"Sure! Pupunta talaga ko!" nakangiting sabi ni Mandy.

Magkakalahating oras na kami rito nang malipat ang usapan tungkol sa mga ex ng lima. Hindi ko mapigilan na mapadaretso ng upo nang maramdaman ko ang braso ni Basti na nakadantay sa backrest ng sinasandalan ko.

"So, guys. May picture kaming ipapakita and you will tell what's the story behind that? Pero kung masyadong naiinvade na yung privacy niyo. Pwede namang mag-pass. 'Kay?" paliwanag ni Maika.

Tumango ako at gano'n din sila Basti. Ang unang picture na pinakita ay para kay Axle, bracelet ito na may design na infinity sign, music and clef. Mukha naman itong mumurahing bracelet lang pero para iba ang dating nito kay Axle dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagkairita kaya naman nag-passed siya. Buti na lang ang sumunod ay sinagot niya na kahit mukhang labag pa sa loob niya na sagutin yung tanong. Sunod na mga picture na pinakita ay picture ni Isaias noong bata siya habang nakadapa sa putikan pero nakangiti pa rin naman siya.

Alam namin ang kwentong 'yon dahil kaya siya nadapa ay gawa ni Theo. May field trip ata kami noon at aksidenteng natapakan ni Isaias ang kulay puti at bagong sapatos ni Theo kaya bilang ganti ay tinulak siya nito sa putikan. Hindi umiyak si Isaias dahil may poop yung shoes niya nang maapakan ang kay Theo.

"Fuck you, Villadiego! Dugyot ka!" sigaw ni Theo sa nakangising si Isaias.

Hindi manlang ito nasindak at pinagtawanan pang muli si Theo.

"Oh my gosh!" tawa ni Maika matapos marinig ang kwento tungkol doon sa picture. "Okay. Next photo, please." dugtong niya matapos tumawa.

Nakangiti kong inabangan ang sunod na picture. Lahat kami ay nakaabang doon ngunit nang makita ang sumunod na picture ay nawala ang ngiti sa labi ko. Natulala ako sa sumunod na picture.

"Hmm. Sinong sasagot?" naiilang tanong ni Maika habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Basti.

Candid photos namin ito habang nag-j-jet ski sa resorts na pag-aari ni Sander. May sumunod pang picture dito at ito naman yung kuha habang nag-uusap kami ni Basti sa labas ng bar ni Billy. Pati ang pagpasok sa kotse at paghatid ni Basti sa akin sa condo ay nakuhanan din nila. Sinong nagpicture nito?

"So, passed or nah?" nakangising tanong ni Mandy.

Sumulyap ako kay Basti at naabutan siyang seryosong nakatingin sa mga pictures. I saw how his jaw clenched, halatang iritado.

Nahagip din ng tingin ko si Elaine na mukhang iritado habang kinakausap ang director at iba pang staff. Wala rin siyang alam dito! Miski si Basti ay walang alam. Oh my gosh! Ba't hindi ko napansin na may kumukuha na pala ng picture sa amin?

Napalingon kaming lahat kay Basti nang magtaas siya ng kamay. Damn! Don't tell me sasagutin niya?

Gosh. Hindi naman na niya kailangan pang sagutin 'yon dahil pwede naman niyang itanggi. Maraming tao ang galit sa akin dahil sa isyu ko tungkol sa paiba-iba ng boyfriend at sa dami ng fans niya, nila ay paniguradong may iba doon ang galit at ayaw sa akin. Ayokong maging dahilan nang pagkalagas ng mga fans nila.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now