VERSE XVIII

119 7 3
                                    

Verse XVIII: Natatakot

Hindi ko na inantay pang makalapit si Elaine dahil naglakad na ako palapit sa kaniya. Napakunot-noo siya nang makita ang nakabusangot kong mukha. Buti hindi na siya nagtanong dahil wala naman siyang makukuhang sagot.

"Magrerecord muna kayo at pagkatapos no'n tsaka naman magvivideo. Gusto kasi nilang matapos na ngayong araw lahat para editing na lang." paliwanag ni Elaine pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nang sumakay sa elevator ay napairap ako nang makitang nakasunod pala siya sa'min at kasama niya na si Isaias.

"Good morning, Anais." bati sa'kin ni Isaias. Hindi ko siya pinansin. "Sungit mo naman. Nag-away siguro kayo ni Anais, Basti?"

Narinig ko na minura ni Basti si Isaias na humagalpak ng tawa. Gusto ko ring murahin at tuktukan itong si Isaias. Hindi ako natutuwa sa lumalabas sa bibig niya kaya dapat ay nanahimik na lang siya. Sa susunod nga ay magbaon na 'ko ng duck tape.

Nagkwentuhan ang dalawa sa gilid ko habang pareho naman kaming tahimik ni Elaine. Nang makarating sa 6th floor ay dumaretso kami sa recording studio at naabutan namin na naroon na sila Theo, Rem, at Axle kasama ang PA niya. Naabutan ko itong nakatitig sa'kin kaya nginitian ko siya. Nataranta siya at namula ang pisngi pero ngumiti pa rin siya pabalik.

Nandito din si Ethan at ang ibang staff na mag-aasikaso sa pagrerecord. Kumaway siya sa'kin ngunit nginitian ko lang siya.

"Good morning!" bati ni Theo at nakipag-apir kila Basti, gano'n din ang ginawa nila Rem.

Napausod ako palapit kay Elaine nang tumabi sa'kin si Basti. Masikip na sa pwesto namin at mas sumikip dahil tumabi pa siya sa'kin e ang laki-laki niyang tao. Sumulyap sa'min si Elaine dahil nadanggi ko siya. Malaki ang space sa gilid niya kaya akala ko ay iisod siya pero hindi ito gumalaw at kinausap yung Dj. Bwiset!

Kinalma ko ang sarili na at ilang ulit na sinabi ng isip ko na 'wag kong sabunutan si Elaine dahil pinsan at manager ko siya.

"Gago! Ang ganda– mas gumanda pala! Nastarstruck ako!" kinikilig na sabi ni Isaias.

Napatingin ako kay Isaias dahil nangingibabaw ang boses niya habang nagkukwento siya. Hindi ko kilala kung sino yung tinutukoy niya dahil wala naman akong maalala na may naging girlfriend na siya dahil hindi kagaya nila Basti ay medyo iwas ito sa babae. May pagkatorpe kasi.

"Nabakla ka na naman!" natatawang sabi ni Theo.

"Akala mo ikaw hindi!" buwelta ni Isaias.

Pagkatapos mag-asaran ay nagkwentuhan naman sila tungkol sa nangyari sa gig nila kagabi at gaya ng lagi ay puro tungkol sa babae ang bukam-bibig ni Theo. Siguro marami pa din babae ang isang 'to sadyang magaling lang magtago. Hays, magbest friend nga sila.

Minsan ay nakikisali si Basti pero 'pag napapatingin siya sa'kin ay agad siyang natahimik at napapaayos ng tayo. Nang mag-aya si Axle na pumunta na sa mismong pagrerecordan ay agad silang sumunod. Sasama na rin sana ako sa kanila kaso pinaiwan muna ako ni Elaine dito. Panoorin mo raw muna para malaman ko kung saang part ako dapat pumasok.

"Hi, Anais!" bati sa'kin ni Ethan nang tumabi ako sa kaniya. Pinaggigitnaan na nila ako ni Elaine. "Napakinggan mo na ba yung sinend ko last night? 'Yon kasi ang melody ng kakantahin niyo." nakangiting sabi niya.

Tumango ako at ngitian siya. "Yeah, nagustuhan ko yung melody." pero ayoko pa rin ng lyrics.

"Buti naman! Si Basti din kasi ang naglapat ng melody no'n kaya akala ko hindi mo magugustuhan." nakatatawang sabi ni Ethan at nilingon ang lima.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now