VERSE XXVI

129 5 2
                                    

Verse XXVI: A

It's been three months matapos ang concert. Maraming projects ang dumating sa akin at sa Asteroids. Naging matunog kasi ang pangalan ko at ng banda nila sa social media kaya madalas ko silang makasama sa mga projects. Ngunit nitong nakaraang mga linggo ay hindi ko na sila gaano nakakasama dahil nag-uumpisa na sila sa World Tour Concert nila. Habang busy naman ako dahil sa mga shooting para sa up coming movie na pagbibidahan namin ni Harold, yung pinsan ni Charlotte.

Yeah. He's an actor. Isa siya sa pinaka sikat at pinagmamalaking aktor sa henerasyon ngayon. Hindi namin siya kapareho ng entertainment na pinagtatrabahuhan pero sikat at ginagalang din ang entertainment nila.

"Akala ko 'di ka papayag e." nakangising sabi ni Harold at inabot sa akin ang bote ng tubig na wala pang bawas.

"Thanks." nakangiting sabi ko at kinuha yung bote. "I have no choice. Si Elaine ang nagdidecide and I trust her decision. Tsaka mukhang maganda rin ang impresyon niya sa'yo." sabi ko at sumandal sa backrest ng folding chair ko.

Umupo si Harold sa katabi kong folding chair. Wala rin gaanong pinagbago ang physical appearance niya, ewan ko na lang sa ugali. Tumangkad din siya, ka-height niya na si Basti.

Speaking of Basti, palihim kaming nagdidate kapag may free time kami. Hindi ko pa rin siya sinasagot dahil hindi pa siya ulit nagtatanong matapos naming mag-usap sa dressing room. Pero balak ko na siyang sagutin kaso ayoko sa chat or text, gusto ko sa personal. Siguro 'pag nagkita kami ulit, pagtapos ng concert nila?

"Really? How can you say so?" nakangiting tanong ni Harold.

"Well, lahat kasi ng nag-offer sa kaniya na isabak ako sa movie ay dito lang siya nag-yes." sabay kibit-balikat ko.

Binuksan ko ang bote bago uminom ng kaunti. Nasa park kami dahil dito daw ang sumunod na scene. Ngayon ang huling araw namin na magshushooting. Halos isang buwan din ang ginugol namin sa pagshushooting at masasabi kong masaya silang katrabaho at komportable ako sa kanila lalo na kay Harold dahil siya nga ang leading man ko.

"Baka crush ako ni Elaine." biro niya.

Natawa ako sa sinabi niya. "Crush ka diyan! Ano? Parang high school lang?" sabi ko.

Magaan pa rin ang loob ko sa kaniya kahit na hindi kami gano'n kadalas na nagkikita. We're friends in Facebook at finollow din namin ang isa't isa sa Instagram. Minsan ay nagkukumustahan kami.

"Speaking of high school, ba't ka pala biglang nawala dati?" tanong niya.

Gulat ko siyang nilingon ko. Walang may alam ng pag-alis ko at mukhang wala rin namang may pakialam. Kaya 'di ko mapigilang magulat dahil sa tanong niya. Ang may alam lang ng dahilan ko ay si Gail, Elaine at sila Basti.

Binasa ko ang ibabang labi at inalis ang tingin sa kaniya.

"Choice nila mommy." pagdadahilan ko.

Nakita ko ang pagtango niya at bumuka ang labi niya para sana magsalita ngunit tumayo na ako. Ayoko sanang magmukhang bastos kaso iniiwasan ko talaga na mapag-usapan ang tungkol doon. Dahil paniguradong mapupunta sa amin ni Basti ang susunod niyang tanong at 'yon ang iniiwasan ko. Involved si Charlotte sa issue namin kaya ayoko mapag-usapan 'yon, lalo nasa kaniya dahil pinsan niya 'yon.

Nginitian ko siya bago iniwan at lumapit kay Elaine. Ramdam ko ang pagsunod ng titig ni Harold sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon.

Around three pm nang matapos ang shooting. Dahil nga tapos na at ieedit na lang ang mga video ay naisipan nila na magcelebrate. Hindi namin ito tinanggihan dahil ito ang unang beses na sumabak ako sa pag-arte. Atsaka magaan ang loob ko sa kanila.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now