VERSE XXVIII

167 6 5
                                    

Hello! Thank you for reading my first story here in Wattpad. Thank you for supporting Basti and Anais' story. This will be the last verse of Melancholic Melody. Hope y'all like it! ^_^

+++++

Verse XXVIII: Twice

"M-mom."

Nakita ko ang gulat kay Mommy habang nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. Nagmamadali siyang tumakbo palapit sa akin para kuhain ang mga 'yon. I can see how nervous she is. Nawala rin ang poise niya dahil sa pagmamadali.

"Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko?! Yung titulo lang ang pinapakuha ko hindi ito!" galit na saad niya.

Para akong nanghina. Mabuti na lang at nakaupo na ako dahil baka natumba na ako kanina pa. Nakita ko sa mga mata ni Mommy ang galit ngunit alam kong kinabahan siya nang makita na hawak ko ang mga pictures. Sadyang ayaw niya lang ipahalata na gano'n ang nararamdaman niya.

"Pinlano mo 'yon lahat, 'di ba?" wala sa sariling tanong ko at nakatulala kay mommy.

Hindi siya nagulat sa sinabi ko ngunit napaiwas naman siya ng tingin. Lalo akong nanghina dahil doon ngunit pinilit kong tumayo para pantayan siya. Umayos din ng tayo si Mommy at pinanatili ang seryosong ekspresyon ng kaniyang mukha.

"I know malaki ang galit mo kila Basti. But I really don't get it! Why did you do that? At... at anong kinagagalit mo sa kanila, Mom? Anong ginawa nila sa'yo para maging ganito ka kasama sa kanila?"

Hindi ko mapigilan ang mapataas ang boses. She lied to me. I know hindi ko dapat gawin 'yon dahil siya pa rin ang nanay ko ngunit hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Mataas ang respeto ko sa kaniya because she's my mother and she's Zoraya, ang tinitingalang CEO ng Perez Luxurious Hotel pero dahil sa nagawa niya ay nakakalimutan ko ata ang salitang 'yon.

Naawa ako sa mga bata. Sa tuwing may family gathering kami ay hindi sila minsan nakakasama. Bukod sa magkaaway si mommy at ate ay ayaw din niya makita si Sander. Dahil doon ay nadadamay ang dalawang bata at paniguradong madadamay din si Zyna.

Umiwas ng tingin si mommy. Pinanood ko ang kilos niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtulo ng luha sa kaniyang pisngi na mabilis niyang pinaalis. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Blanko ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa akin.

"Her mother is your dad's first love."

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Natulala ako. Wala akong alam tungkol sa love story nila dahil hindi ko trip ang gano'n pero nabanggit ng Lola Antonia ko na may naunang minahal si dad bago si mommy.

"M-mom, ikaw naman po yung mahal ni da–"

Mabilis siyang umiling kaya natigil ako sa pagsasalita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pagkirot nito. Tinitigan ko si mommy at malungkot niya akong nginitian. Lalong kumirot ang puso mo. Nanlambot at nawala ang galit ko nang makita si Mommy sa ganitong estado.

"If he really loves me then... then why did he cheat on me?"

Napasinghap ako at naitakip ang aking dalawang kamay sa aking labi. Ramdam ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. Nag-agusan din ang luha sa kaniyang pisngi. Gusto ko mang itanong kung sino ngunit parang nakakatakot. Dahil alam ko na.

"Ang makita ang anak niya ang nakakapag paalala sa 'kin ng ginawa nila. Anais, hanggang ngayon... hanggang ngayon tinatanong ko pa rin yung sarili ko kung bakit... kung bakit hindi niya ako kayang mahalin ng buo kagaya ng pagmamahal niya sa babaeng 'yon!"

Humagulhol siya matapos 'yon sabihin at parang ilang ulit na sinaksak ang puso ko habang pinapanood siya. Hindi ko rin mapigilan ang mapahagulhol. Bigla akong nagsisi na nagtanong pa ko.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now