VERSE VI

140 8 7
                                    

Verse VI: Mabait lang

Isinarado ko ang pinto ng locker ko pagkatapos kong ilagay ang mga notebook ko. Sa Friday na ang periodical test nila, nila lang dahil may grades naman na ako. Todo review nga si Elaine habang pa-easy-easy lang itong si Gail.

"Alam mo, Elaine. Sinasayang mo lang time mo kakareview e babagsak ka rin naman!" nakangising sabi ni Gail at nakipag-apir sa'kin.

Naupo ako sa tabi ni Elaine na seryoso pa rin sa pagrereview. Nasa school garden kami ngayon. Magtatanim daw kami ng iba't ibang klase ng gulay dahil nutrition month.. Nakakainis nga dahil kasama pa namin sila Maris. Naroon sila sa katapat naming bench at matalim ang tingin nito sa'kin. Akala mo naman nakakatakot siya.

"Manahimik na nga lang kayo! Dadamay niyo pa ko sa katamaran niyo." sigaw sa'min ni Elaine.

Hindi namin siya pinansin ni Gail.

"Tamo si Maris, sama ng tingin sa'yo oh! Sarap dukutin ng eyes!" nandidemonyong bulong ni Gail sa'kin.

"Hanggang tingin lang naman 'yan." nakangising sabi ko bago inirapan sila Maris.

Dumating na rin ang agriculture teacher ng school para i-guide kami. Magtatanim daw kami ng kalabasa. Tinuturo naman nito sa'min kung paano ang gagawin at hindi ako nakikinig. Wala naman kasi akong balak magkaroon ng farm. Mamamatay lang mga halaman na aalagaan ko.

Nakikinig si Elaine habang binebraid ni Gail ang buhok ko. Tuwang-tuwa nga siya sa kulay ng buhok ko, e. Saktong pagkatapos ni Gail mag-braid ng aking buhok ay pinapunta na kami sa bakanteng part ng garden, kung saan kami magtatanim.

"Anong braid 'to, Gail?" tanong ko kay Gail at hinawakan ang bulaklak na nadaanan ko.

Ang daming bulaklak dito at iba-iba pa pero hindi ko naman alam ang mga pangalan. Rose at tulips lang ang alam ko, e, kaya ayon na rin ang paborito ko. Maganda rin naman ito.

"Siberian husky daw, Anais!" singit ni Elaine at may hawak na libro.

Naguguluhan ako sa sinabi niya. May gano'n bang braid?

Humagalpak ng tawa si Gail dahil sa sinabi ni Elaine. Itinuro niya pa 'to kaya napatingin sa kaniya. Kumunot-noo naman si Elaine sa kaniya.

"Nabaliw ka na oy!" sigaw ni Elaine sa kaniya.

"Aren't you joking?" tumatawang sabi ni Gail.

Mas naguluhan ata si Elaine dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin naman maintindihan itong si Gail. Inisip ko ulit kung ano ang sinabi ni Elaine at hindi ko rin napigilan ang matawa ng maintindihan ang ikinakatawa nitong si Gail.

"Hey! Why are you laughing? Anong nakakatawa!?" naiiritang tanong ni Elaine sa'min.

"Kasi naman, girl! Ang tinatanong ni Anais ay kung anong braid hindi breed! Bruha ka ginawa mo pang aso 'tong pinsan mo!" sabay tawa ni Gail.

Sinapok ko naman ito. Gawin ba naman daw akong aso?

"Hoy, joke lang! Ang sakit mo manapok, bruha ka!" tawa ni Gail at hinimas ang part na sinapok ko.

Water falls braid daw tawag dito sabi ni Gail. Hindi ko kita kung anong itsura no'n pero alam ko namang bagay sa'kin 'yon.

Dumaretso na kami sa naka-assign sa'min at doon kami pumwesto sa may nalililiman ng puno rito. Narito na rin ang gagamitin namin. Hindi ko tanda ang mga gamit sa pagtatanim. Basta kinuha ko na lang yung maliit na pala. Kinuha naman ni Gail yung sprinkler.

"Ako na lang magdidilig!" masiglang sabi ni Gail.

"Wala ka pang didiligan, bruhang 'to! Magbungkal ka muna ng tataniman natin!" sermon ni Elaine bago bumaling sa'kin. "Ikaw rin, mababang-uri! Magbungkal ka!" natatawang sabi ni Elaine.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now