VERSE XVII

124 7 1
                                    

Verse XVII: Date

Parang walang nangyari matapos 'yon sabihin ni Isaias kaya naman hindi na ako nag-abala pang isipin kung anong ibig-sabihin ng sinabi niya. Dumating na rin ang manager nila at si Elaine.

"Hi! I'm Ethan, manager ng Asteroids." nakangiting sabi niya at naglahad ng kamay kaya tinanggap ko ito. "Sa tagal ko ng nagtatrabaho dito sa M. Entertainment, ngayon lang kita nakita ng malapitan."

I chuckled. Siyempre, sa tuwing may event ang entertainment namin at kasama ko sila ay hindi talaga ako napunta. Buti nasakto na may project ako kaya wala rin silang nagagawa. Kapag naman sa mga awarding na kasama ko sila ay nagpapanggap ako na may sakit. Wala namang nagagawa ang manager kong si Elaine dahil naiintindihan niya naman ako. Maski siya ay may iniiwasan sa limang 'yon.

"Medyo busy." nakangiting sabi ko.

"Halata nga. Hays, buti napapayag ka ng manager mo!" masiglang sabi ni Ethan.

Nginitian at tinanguan ko siya. Sumulyap ako sa kamay niya na nakahawak pa rin sa'kin. Wala ba siyang balak na alisin 'yan?

Nilingon ko si Elaine. Pinanlakihan ko ito ng mata at sumulyap sa kamay kong hawak ni Ethan. Ngumisi siya at nagkibit-balikat. Bwiset talaga ang isang 'to!

"Uh-"

"Elaine, bawasan mo naman mga trabaho ni Anais para makapagbonding kami. Pakiramdam ko siya na yung para sa'kin, e."

Napangiwi ako sa narinig. Ganyan din ang pakiramdam ko noon pero hindi naman nagkatotoo.

"Ethan, let go of her hand. Kanina pa siya naiilang sa'yo."

Agad na binitawan ni Ethan ang kamay ko ng marinig ang sinabi ni Basti.

"I'm sorry! Natuwa lang ako kasi ngayon lang kita nakita ng malapitan." natatawang sabi ni Ethan at parang nahiya.

Natawa naman ako sa reaksyon niya at aksidenteng napasulyap kay Basti na seryoso kaming pinapanood.

"It's fine. Ganyan din ang reaction ng ibang fans na nakakasalamuha ko. Minsan sa sobrang tuwa nga nila ay yinayakap ako."

"Sana ako rin." natatawang biro ni Ethan.

Natawa ako sa kaniya. Magsasalita sana ako nang biglang umubo. Napalingon kami kay Basti na sa'kin lang nakatingin. Napakunot-noo tuloy ako dahil kitang-kita sa mukha niya na iritado siya.

Inalis niya ang tingin sa'kin at bumaling sa wall clock. "Ten minutes na nasasayang. 'Di pa ba tayo mag-s-start?" masungit na tanong niya bago tumingin sa'kin at kay Ethan.

"Oo nga pala." natatawang sabi ni Ethan. "Dito na lang natin pag-usapan."

Inaya niya kaming maupo kaya nagsiupo kami. Naupo ako sa tabi ni Rem at Elaine. Katapat ng pwesto ko ang kay Basti pero hindi na ako nag-abalang tignan siya. Habang nagsasalita si Ethan tahimik akong nakinig kahit alam kong nakikinig naman si Elaine.

Sumulyap ako sa katapat namin na sila Isaias. Ang ingay-ingay nila kahit may taong nagsasalita sa harapan nila. Hindi pa rin talaga nagbabago ang ugali nila.

Napangiti ako sa narinig at aksidenteng napatingin kay Basti. Nahuli ko siyang nakatitig sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay bago nag-iwas ng tingin. Kahit hindi na ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa'kin. Hindi ko na tuloy naiintindihan ang sinasabi ni Ethan.

Nangangati ang leeg ko na lingunin siya para huliin siyang nakatitig sa'kin nang may maalala ako.

Ganyan din siya noon. Lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa'kin. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa mga mata niya parang nanghahalina kaya 'di mo mapapansin na nililinlang ka na.

Melancholic Melody (Asteroids I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon