VERSE III

135 10 8
                                    

Verse III: Solo

Nang magweekend ay nanood ako ng rehearsal nila. Makikitambay lang dapat ako kila Rem no'n kaso do'n pala sila naka-sched na magrehearse. Gusto ko rin talaga sila mapanood ulit, lalo na si Basti. Ang ganda kasi talaga ng boses niya.

Nang maglunes ay nag-text ako kay Rem na sasabay ako sa kaniya pagpasok pero hindi niya ako ni-replyan kaya naman inagahan ko ang punta sa kanila, sakto namang paalis pa lang sila.

"Hey, wait! Sasabay ako!" sigaw ko sa kanila.

Malimit silang dito nagkikita dahil bahay nila Rem ang pinakamalapit sa school. Lumapit ako kay Basti at kumaway sa kaniya.

"Good morning," bati ko kay Basti.

Nginitian niya ako. "Morning," bati niya pabalik.

Binati ko rin sila Rem dahil magrereklamo na naman si Theo. Pare-parehong hindi mga nakaayos ang kanilang mga necktie at itong si Basti lang yata ang maayos, e. Kaso magulo naman ang buhok.

"Ginagawa mo rito, Anais?" tanong ni Isaias at hinahagis-hagis ang susi sa kaniyang kanang kamay.

I smiled. "Sasabay sana ko!" nakangiting sabi ko.

"Hindi kita isasabay!" agad na tanggi ni Rem.

I pouted. Ayoko naman sumabay kay Theo dahil puro pang-aasar lang ang matatanggap ko. Kila Isaias at Axle naman ay sobrang harurot kung mga magpatakbo nitong mga 'to.

"Sa'kin ka na lang sumabay,"

Napalingon ako kay Basti nang magsalita siya. Nakasakay na siya sa sports bike niya at may hawak na dalawang helmet. Sumulyap ako kila Rem bago lumapit kay Basti at kinuha ang isang helmet niyang dala.

Nginitian ko siya. "Talaga? Thank you!" maligayang sabi ko.

Gusto ko lang talaga ay makasabay silang pumasok lima lalo na si Basti pero swerte ko ata ngayong araw dahil kay Basti pa ako aangkas. Sumakay na sila Rem sa kani-kaniyang kotse at nahuli si Theo. Seryoso siyang nakatingin sa'min pero nang makita akong nakatingin sa kaniya ay binelatan niya ako kaya gano'n din ang ginawa ko, bago siya sumakay sa kaniyang sports car.

"Anais, itali mo 'to sa baywang mo." utos ni Basti at inabot sa'kin ang blazer niya.

Agad akong umiling. "'Wag na! Magugusot lang 'yan, e!" tanggi ko sa kaniya. "'Tong blazer ko na lang!" dagdag ko at huhubarin na sana ang blazer ngunit ipinulupot niya na ito sa baywang ko.

Medyo nahila niya ako palapit sa kaniya at nagpadala na lang ako. Tinitigan ko si Basti at kitang-kita ko ang brown niyang buhok. Sobrang lapit namin at ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko nang ganito, sana ay hindi niya naririnig.

"Malelate na tayo 'pag nagtalo pa tayo." makulit na sabi ni Basti nang matapos sa pagtatali ng blazer bago isinuot ang helmet niya. "Tara na, angkas ka na!" dagdag niya at binuhay na ang makina.

Umangkas na ako sa motor niya bago siya nagpaharurot. Buti naka-flat shoes ako dahil hindi ako sanay na sumakay sa ganito.

Habang biyahe ay hindi gano'n kaharurot ang patakbo ni Basti, tama lang ang bilis. Salamat din sa blazer dahil hindi hinahangin ang palda ko. Umabot ito hanggang sa tuhod ko dahil sa laki.

Tinignan ko si Basti sa salamin. Dahil wala siyang suot na blazer ay nakawhite long sleeves polo siya at necktie, hindi ko rin makita ang mukha niya dahil sa helmet na suot. Medyo pumuputok ang biceps niya dahil medyo hapit ang polo niya. Hindi na rin mukhang bago ang uniform niya pero kahit gano'n ay hindi nabawasan ang kagwapuhan niya, mas gumwapo pa nga.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now