OUTRO

318 8 13
                                    

OUTRO

"Hoy, kawayan!"

Napangiti ako nang marinig ang matinis at maliit niyang boses. Nilingon ko ang gawi kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Ilang metro ang layo sa akin ay nakatayo ang batang si Anais. Nakakulay pastel purple siyang dress at sandals. Suot niya rin yung kulay purple na pekeng hibla ng buhok, nagmukha tuloy itong highlights ng buhok niya. 'Yon ang regalo ko sa kaniya kagabi dahil birthday niya. Akala ko hindi niya magugustuhan dahil piso lang naman ang bili ko roon ngunit dahil favorite color niya ang purple ay nagustuhan niya agad.

Nakahalukipkip siya at masama ang tingin sa akin ngunit kesa matakot ay natatawa lang ako. Ang cute niya magalit.

Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa maliit at hugis pusong mukha niya. Para siyang manika dahil sa puti at haba ng kaniyang pilik-mata at ang natural na mapula niyang labi. Mataba rin ang pisngi niya na mas nagpacute sa kaniya.

Nang mapansin niya ang paninitig ko ay bigla siyang napaayos ng tayo at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Ningingiti mo r-riyan?" masungit na tanong niya.

Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya habang sinasabi 'yon. Lalo lang lumaki ang ngisi sa labi ko. Kapag lumaki kami, aayain ko siya magpakasal.

"Bakit ka nandito, prinsesa?" tanong ko at pinagpatuloy ang pagdidilig ng mga halaman.

Ngumuso siya at humakbang palapit sa akin. Hindi ko mapigilan na panoorin ang maliit at maingat niyang paglalakad. Bagay na bagay talaga sa kaniya na tawaging prinsesa. Sobrang hinhin at ingat niyang gumalaw na parang mamahalin at babasaging vase.

"I just want to talk to you. Bakit? Bawal na ba?" masungit na tanong niya nang tuluyang makalapit sa akin.

Mahina akong natawa at umiling. "Ang tanda ko kasi ay galit ka sa'kin." nakangising sabi ko.

Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. Kahit paghinga niya ay nakakatulala.

"Well, medyo hate pa rin kita kasi sipsip ka sa mommy ko pero dahil nibigyan mo ko ng gift..." sabay lingon niya sa akin at ngumiti. "...medyo bati na kita!"

Ngumisi ako. Akala niya ay inaagaw ko ang mommy niya sa kaniya ngunit hindi niya alam na ginagawa ko ito dahil gusto kong mapalapit sa kaniya. Kaso mailap siya sa lalaki at tanging si Rem lang ang kinakalaro at kinakausap niya at may pagka-maldita rin siya.

Simula nga noon ay madalas na kami magkasama pati ang best friend nitong si Rem na laging masama ang tingin sa akin. May gusto rin ata ito kay Anais pati yung tatlo. Tuwing lunch ay sabay-sabay kaming anim na kumakain. Laging maraming baon na kwento si Anais at hindi niya napapansin ang tensyon sa aming lima.

"'Wag na tayong magplastikan. Wala si Anais dito!" mayabang na sabi ni Isaias.

Inismiran lang siya ni Axle at hindi pinansin. Tahimik ko namang niligpit ang mga gamit ko dahil walang patutunguhan ang pagsama ko sa mga ito. Si Anais lang naman ang dahilan kung ba't ako sumasabay sa kanila at alam kong gano'n din sila.

"Oh, tapos?" walang ganang sabi ni Theo kay Isaias.

Natigil ako sa pag-aayos at nilingon ang dalawa. Kinukwelyuhan na ni Isaias si Theo na nakangisi lang sa kaniya.

"Oh tapos? Suntukan na lang tayo!" hamon ni Isaias.

Pagkasabi niya non ay sinuntok siya ni Theo. Medyo malakas ang suntok niya kaya natumba si Isaias.

"Hoy! Ba't mo ko sinuntok?"

Natawa at napailing ako sa tanong niya. Inaya niya ng suntukan tapos nung sinuntok siya ay itatanong niya ba't siya sinuntok.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now