VERSE XXIII

145 7 1
                                    

Verse XXIII: Alive

"I'm finding out in the hardest way

The consequence of every mistake I've ever made

Baby, what's it like to be alone? (Baby, what's it like to be alone?)

I don't wanna know, I don't wanna know"

Hindi ako makatingin sa stage dahil sa ginawa ni Gail. Kanina kasi nang lumingon ako roon ay kitang-kita ko ang malaking ngisi ni Basti. Hindi ko sure kung narinig niya ba dahil hindi naman siya nakatingin sa gawi namin at masyadong maingay at naghahalo-halo na ang mga boses ng mga tao dito.

Nilingon ko naman ang katabing si Gail na sumasabay sa pagkanta ni Basti. Namumula na ang mukha niya na gawa ata ng pagkalasing niya. Ngunit kahit na gano'n ay patuloy pa rin naman siya sa pag-inom at ayaw magpaawat.

"Stop drinking, Gail! Baka mamaya ay knockout ka na. Hindi ako marunong mag-drive at hindi ko alam kung saan ka ihahatid!" sabay agaw ko ng alak sa kaniya ngunit binawi niya rin naman.

"I'm not drunk, okay?"

Napairap ako at hinayaan na lamang siya. Ayaw niya rin naman magpaawat kaya sige, magpakalasing siya. Isasabay na lang namin siya ni Yaiko.

Speaking of him, hindi pa ba niya naiisipang umuwi? Sigurado akong pagod na siya dahil sa mahabang biyahe. Ayain ko na kaya siyang umuwi?

"I'm bruised and scarred

Save me from this broken heart

All my love will slowly fade and fall apart

Someone please sing this lovesick melody

Call my name if you're afraid

I'm just a kiss away"

Narinig ko ang pagtatapos ng kanta at malakas na sigawan at palakpakan ng mga madla ngunit pinigilan ko ang sarili na lingunin ang stage. Narinig kong nagsalita si Basti pero hindi ko ito naintindihan nang biglang sundutin ni Gail ang tagiliran ko.

"What the?! Ano ba?!" iritadong sigaw ko.

Nagulat ako sa ginagawa niya at mas lalo akong kinabahan. My gosh! Mas sakit pala isa ulo itong si Gail kapag lasing kesa kay Elaine.

"Save me from this broken heart daw, Anais." nakangising sabi niya.

Papikit-pikit na ang mga mata niya habang sinasabi ang mga iyon at hindi na ako matignan ng ayos. Halatang inaantok na siya ngunit ipinagsawalang-bahala ko na 'yon dahil nalilito ako sa sinasabi niya.

"What?"

Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig at parang nawalan ng gana. Kinunotan ko siya ng noo habang inirapan niya naman ako.

"Naka-Smart ka ba or Globe? Ang bagal kasi ng signal mo."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Anong Smart at Globe? 'Di ba, sim card 'yon?

"What?"

"Oh, 'ta mo? Pending e." sabay irap niyang muli.

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. Muli ko sana siyang tatanungin nang may dalawang lalaki ang lumapit sa amin. Mukhang nagtatrabaho rin ang mga ito sa showbiz dahil kilalang actor yung isa habang pamilyar naman yung isa kaso 'di ko maalala kung nakatrabaho ko na ba siya or what?

"Hey, ladies." nakangiting bati ni Carl, yung popular actor ngayon.

Nakafixed ang mga mata niya kay Gail. Sumulyap siya sa akin ngunit mas nagtagal ang tingin nito kay Gail. Ramdam ko ang titig ng kasama ni Carl sa akin ngunit 'di ako nag-abalang lingunin siya. Maitsura siya kaso hindi na ako nakikipag-flirt. Kung ako siguro yung Anais na high school or college student baka sabayan ko siya kaso hindi na e. Yung ex-boyfriend ko bago maggraduation ang last at hindi pa ulit nasundan dahil wala na sa isip ko ang tungkol doon.

Melancholic Melody (Asteroids I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon