VERSE XIV

122 8 6
                                    

Verse XIV: Wedding

Kahit ilang gabi na akong puyat ay hindi pa rin ako nakakatulog ng ayos. Excited na kasi ako sa pag-alis namin. Sabi ni Basti dito lang kami sa Laguna, marami raw pwedeng mapuntahan dito. Maraming magagandang place dito.

"Ang dami mong dala ah." ngisi ni Basti bago naupo sa kama ko.

I pouted. "Ano lang ba dadalhin ko dapat?" tanong ko sa kaniya.

"Kahit sarili mo lang." sagot ni Basti.

"Seryoso?" gulat na tanong ko.

Nagsearch ako sa google ng mga places dito at nakita kong marami ang falls dito. Hindi ba kami pupunta sa isa sa mga 'yon para maligo? Nakakamiss pa naman magswimming.

Bumuntong-hininga si Basti. "Magdala ka ng onting damit." sabi ni Basti.

Nakangiti akong tumango. Nagpaalam si Basti na iintayin niya na lang daw ako sa baba. Gaya ng napag-usapan ay madaling araw niya talaga ako sinundo. Tumawag siya sa'kin na nasa labas na raw siya ng bahay. Hindi pa nga ako nakakaligo hanggang ngayon.

Binilisan ko na lang ang pagligo dahil ayoko naman siya pag-intayin. Hindi na rin ako nag-abala pang magsuklay dahil gusto ko ng umalis. Nagpaalam naman ako kay ate Zia na aalis ako at pumayag naman siya. Aalis din kasi siya kasama ang mag-ama niya.

Nang makababa ay naabutan ko si Basti na nakasandal sa motor niya. Agad kumunot ang kaniyang noo nang tignan ang damit ko.

"Ayan na suot mo?" sabay turo sa'kin.

I nodded. I'm wearing a crop top and a high-waist shorts.

"Okay lang naman, right?" tanong ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya bago inabot ang jacket niya.

"Malamig sa biyahe kaya dapat nagjeans ka." masungit na aniya. Inalis niya sa pagkakastand ang motor bago sumakay. "Akin na yung bag mo." sabi niya na agad kong ginawa at umangkas.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Basti. Ang aga ko atang sinira ang umaga niya. Dahan-dahan akong yumakap kay Basti.

"Galit ka?" malambing kong tanong dito.

Hindi siya umimik pero kita ko ang pag-ismid niya. Napanguso na lang ako sa kasupladuhan niya.

"Umuwi na lang tayo kung 'di mo naman ako papansinin." malungkot na sabi ko.

'Di ko rin 'to maeenjoy kung hindi niya ako papansinin. Hindi ko pa nga rin sigurado kung nasa'n ba kami ngayon at sa'n kami papunta. Hindi ako makapagtanong sa kaniya.

"Hindi ako galit. Tsaka malayo na tayo." masungit pa rin na sabi niya.

"E ba't 'di ka nagsasalita kanina?" tanong ko.

"Wala 'kong sasabihin." sagot niya at nanahimik.

Hindi na rin ako nagsalita at nanahimik na rin. Tinignan ko na lang ang mga punong nadadaanan namin. Nasa highway kami ngayon at madilim pa pero dahil sa mga lamp post ay lumiwanag ang paligid. Marami kaming nakakasabay na mga sasakyan, puro mga kotse at jeep.

Hays. 'Di ko alam kung nasa'n na kami, e. 'Di pa rin ako pinapansin ni Basti.

Gusto ko matulog kaso ayoko naman mahulog. Humikab ako bago tumingin sa side view mirror sa left side. Kita ko ang mga naglalakihang sasakyan sa likod namin nang biglang makita ko ang mukha ko. Sumulyap ako kay Basti pero hindi ko rin naman kita ang reaksyon.

"Basti, ibalik mo nga sa ayos 'yan." utos ko.

"Mamaya 'pag nakaten minutes na. Gusto kita makita." dinig kong sabi niya.

Melancholic Melody (Asteroids I)Where stories live. Discover now