Chapter 4

1K 44 8
                                    

We finished eating while I silently stealing a glance at them. Parang hinahatak ang paningin kong tignan sila kahit na hindi ko naman talagang intensyong ilagay ang atensyon sa kanila.

Para tuloy akong magnet. Dikit na dikit ang atensyon ko sa kanila.

I witnessed how he wiped the trace of coffee and smiled sweetly at that girl. Aware ba ang babae sa background ng lalaking iyan? Sure he's famous but does she really know his attitude?

I even saw them kissing torridly while having a lot of people on both side of them. Talagang paborito niyang maghalikan sa public place. Walang hiya.

I'd rather kick his ass than kiss him on that situation. Masyado nang nakakahiya at abala sa ibang tao.

The girl looks pretty and classy. May ibubuga at alam ko namang prestihiyosong paaralan ang inaaralan.

Now, I am really sure that her beauty is just for one day. Parang nagbibihis lang kasi kung magpalit ng ka-date iyong lalaki.

And I don't like Joaquin's idea on that. To the highest level na ang ugali.

And why I am minding their business? Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa dalawang iyon?

As far as I know, I don't have a better connection with that man.

Simpleng pagkikita lang naman ang nangyari sa amin pero heto ako, nacu-curious at medyo naiinis na sa nakikita sa kanya kahit na wala naman akong karapatan dapat. Masyado lang masakit tignan. Pinapamukhang wala akong boyfriend.

Our classes ended that day having a lot of works. Kay Chesca ko na ibinigay iyong iba dahil pair naman kami. Pinili ko na lang iyong makakaya ko at pwede kong gawin habang sa trabaho.

Hindi na rin ako nang-usisa pa sa kanya tungkol doon kay Joaquin. Baka kasi asarin at dudahan na naman ako sa paraan ng pagtatanong ko.

She won't stop asking me if that happens. Ayoko pa namang asarin ako noon dahil baka kapag nagkataon, magkita sila ni Joaquin at isumbong ako.

She's nosy and there's a possibility that she might spill it. Mapapahiya ako.

"Hi," tumango ako nang batiin ako ni Oliver. He's in a good mood while mopping the floor.

Umuulan kasi ng malakas at medyo bumaha sa dinaanan ko. Pinagpag ko ang damit at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

Alas siyete na at medyo tapos naman na ako sa schoolworks na ginawa.

For now, what I'll be doing is just to wait for some customers to punch what they bought.

Cashier na naman ako kahit hindi ko gusto. No choice. Kaming dalawa lang dito ni Oliver.

Kaunti lang naman ang dumarating at wala na masyadong mga estudyante. Hindi nakakapagod at walang maingay dito sa loob. Panay pa naman ang tawanan lalo na iyong mga college na ibang course.

"Umuwi ka sa inyo?" tanong ko kay Oliver nang makalapit ito sa akin.

He's now beside me, waiting for some customers. Inayos niya ang damit bago ako hinarap nang nakakrus ang braso.

"Oo. Miss ko rin naman magulang ko. Buti hindi ka nabasa? Wala ka pa namang payong minsan," I checked myself if I am really wet. Nanghiram lang din kasi ako doon sa kakilala ko sa dorm ng payong.

"Nanghiram lang ngayon," I said and he nodded. May customer na lumapit sa kanya. Naghintay ako ng sa akin pero walang nakapila.

Muntik na akong magbigay ng masasamang tingin sa iba dahil puno ng pila iyong kay Oliver habang sa akin ay wala.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now