Chapter 17

663 27 4
                                    

Our call time is at 6 am. Nahanda ko na ang lahat kaya pagdating sa school ay naroon na ang bus na sasakyan namin. Bumili na rin ako ng kape para hindi ako masyadong antukin.

I told Chesca to reserve a seat for me since baka maubusan ako lalo pa't marami kami. Iyong iba pa naman ay masyadong maraming dala na parang doon na mags-stay.

We will be having a tree planting and at the same time a retreat. Maaga ang naging usapan dahil malayo-layo iyong byahe. They made a note to the head of school to allow us. Kaya excited na rin iyong iba kahit medyo inaantok pa.

Umupo ako sa tabi niya. She's still yawning when I finally tapped her shoulder. Pinili ko iyong sa gilid ng bintana para hindi masyadong boring. I usually take this spot everytime I'm commuting. Nakakarelax kasi kapag may nakikita habang nakaupo.

I just brought my backpack and a small bag with me. Amenities and my clothes are in my bags. Kaunti lang naman ang dala ko, sadyang nagparami lang iyong kumot saka iyong maliit kong unan.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko nang maipwesto na nang maayos ang sarili. She's wearing a jacket and a bonnet. Napapapikit pa iyong mata niya.

I don't know what she did last night. Alam naman niyang maaga ang alis tapos pupuyat-puyat. Maybe late night talks with her boyfriend? Required ba 'yon sa relationship? Kaya maraming inaantok na mga estudyante sa klase, eh.

"Medyo. Konti na lang naman ang hinihintay tapos aalis na tayo." I nodded and opened the can of my coffee. Napatingin siya sa hawak ko saka napalunok. Agad kong inilayo iyon sa kanya.

"Bumili ka," utos ko sa kanya dahil ayokong i-share iyong akin. Kaunti na nga lang ang laman tapos makikihati pa. She got lots of money for sure kaya para saan iyon kung manghihingi lang siya sa akin?

"Damot naman." She stood up lazily and went outside of the bus. Naka-park kasi malapit sa convenience store kaya madali lang.

I checked my phone and received a message from Mavy. Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa.

From: Maverieck

Are you on a trip? Can we meet later? I have something to give you.

Napabuntong hininga ako saka nagtipa ng ire-reply sa kanya. Mukhang hindi rin maganda ang pagkakataong ito. We all need to relax in that place but here they are, wanting to meet me. Ano pa nga bang magagawa ko? Naging mabuti rin naman ito sa akin kaya hindi deserve na tanggihan.

To: Maverieck

Sige. Mamaya na lang.

I sent it to him. Dumating na rin si Chesca saka umupo sa tabi ko na may kapeng hawak. It's a hot coffee and a sandwich. Mukhang hindi pa nakakapag-agahan kaya iyon ang kakainin.

We waited for some until we're complete. Lumalabas na ang araw nang nagsimula nang umandar ang bus. I brought my book and started reading while the bus is taking its journey. Halos lahat ng nasa loob ay busy sa pakikipag-usap. They were all excited and happy at the same time.

Nasa pinakalikod kami nakaupo kaya ramdam ko iyong pakiramdam tuwing napapadaan sa humps.

That disturbed my reading session. Sa huli ay isinara ko na lang ang libro saka tumingin sa bintana. Chesca called my attention so I gave her a glance.

Nakahawak siya sa phone niya at tingin ko'y may tinitignan sa social media. It's Instagram and she's scrolling down until she reached Mavy's post. Kitang-kita ko iyong pangalan kaya napahaba kaagad ang leeg ko saka tumingin rin doon.

"Wow. Bracelet! Para sa'yo ba 'to?" Tumingin siya sa akin. She got those curious eyes. Binasa ko iyong caption.

For someone special.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now