Chapter 13

698 35 5
                                    

After dinner, I changed my clothes. Kahit gumala lang naman ako at nagtingin tingin sa mga stores na nandito ay napagod din ako. Dagdagan pa ng isipin na nasa paligid lang si Gab. Katabi pa ng room ko.

Mavy's classmates were already beneath the beach. Dumidilim na at kahit papunta pa lang kami doon ay matinding ingay nila ang namutawi. They're really enjoying their outing. Siguro kung mayroon kaming ganito ay sasama rin ako.

Nakapabilog kaming upo lahat. Katabi ko si Mavy saka katapat ko pa si Gab na ngayon ay may katabi nang bote ng beer. He's been drinking before we arrived here. Sa gitna namin ay bote na walang laman na para sa pinlano nilang game ngayong gabi.

It's spin the bottle. Nakalaro naman ako nito noon pero iba lang ngayon kasi hindi ko pa masyadong ka-close ang karamihan dito. Si Mavy lang.

Tumayo ang isa sa mga kaklase niya at nagbiro pa ng kaunti bago sinimulan kung ano ba ang pakay niya.

"Okay guys. We'll play spin the bottle. Kung kanino tumapat ang bote, ibig sabihin ikaw ang tatanungin. Kung sino iyong unang player bago ka napili ng bote ay siya ang magtatanong sa'yo ng truth or dare."

She explained it first. Pero dahil truth or dare nga ito, syempre mayroong consequences.

"Kapag hindi mo nasagot o nagawa, you have a consequence. Game? Let's start!" naghiyawan pa ang mga ito kaya napatakip ako sa tenga. Halos iyong buong resort ay parang okupado namin dahil sa ingay. They're really hyper, lalo pa't ang iba ay medyo nakainom na.

"I hate this game," Mavy whispered to me. Nilapit ko pa ang tenga sa kanya dahil medyo nahina iyong dinig ko.

His lips touched my ear which gave me weird feeling. Napadako ang tingin ko kay Gab na seryoso lang sa pag-iinom. It's like he's not in the mood to be here. Kanina pa kasi seryoso ang mukha niya.

Nagsimula na ang laro. It was fun at first because they really did something funny. Iyong iba ay napasubo sa consequence dahil hindi masagot o magawa ang sinasabi sa kanila.

"You should enjoy. Iyon naman ang purpose ninyo dito 'di ba?"

"Yeah. And the last time I joined, it was so embarassing. They made me do a sexy dance in front of them," I controlled my laugh upon hearing that. Hindi ko rin naman kasi ma-imagine na sasayaw nga ito. I never saw him dancing.

I focused myself on the game. Naroon na ang sexy dance na sinasabi nila. Parang hindi naman kasi nawawala iyon lalo na kung talagang trip ka ng nagtanong sa'yo. I'd rather answer everything to not just let myself embarass in front of them.

Natawa ako nang magpagulong-gulong sa buhangin iyong isa hanggang sa mabasa ng tubig dagat. Mukhang lasing na rin dahil pasuray-suray na nang makabalik sa pwesto niya.

They spin the bottle again until it pointed the man beside me. Mavy groaned at that. Umugong rin ang tukso at sigawan ng mga kaklase niya nang sinimulan nang magtanong.

He chose the truth.

"Hmm. Ano bang pwedeng itanong?"

"Bilis na! Tagal naman!

"Oh shut up, idiot! Maghintay ka!"

The guy who's gonna ask him is deeply thinking about the question that he'll gonna ask. Nang makasigurado na ay nakakalokong ngisi agad ang pinakawalan nito.

Tahimik lang ako kahit alam kong may kakaibang pinaplano ito para kay Mavy. Mukhang loko pa naman iyong nagtatanong sa kanya.

"Sino ang kainitan mo sa room natin? At bakit siya?" For me, it was a very easy question. Kung mayroon man ako siguro nun ay sasagutin ko kaagad.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now