Chapter 8

867 30 1
                                    

As expected, a lot of students came to witness their game. Hindi kami nakaabot sa first quarter. Pero nang nag-check lang ng attendance iyong subject teacher namin ay kaagad na akong hinila ni Chesca papunta sa university nila Gab.

Kanina pa niya ako binibigyan ng makahulugang ngiti na pilit kong iniwasan na lang. I'm sure that she's thinking something again.

Nasa likod ng ring iyong naging pwesto namin ulit. He really reserved it for us dahil nang makarating kami rito ay mayroong papel na nakapaskil doon sa upuan na may mga pangalan namin. Nakailang siko pa sa akin si Chesca nang mapansin iyon.

It's already middle of the game when we arrived. Todo cheer si Chesca habang ako naman ay tahimik lang na nanonood. I watched his every move silently.

May mga pagkakataong seryoso ang mukha nito at tutok sa laro. He even brought himself very manly with his signature manbun. Hindi ko alam pero mukhang pati paraan ng pagtakbo at pag-agaw nito ng bola ay nakakamangha. He can make girls scream very hard.

Mas lamang ang sablay at bilang na bilang iyong nakakapuntos ito. I almost laughed seeing his frustrated look when he saw me, watching him intently. Sa huli ay napapahiya itong pinaupo hanggang sa matapos ang laro.

Mukhang pangmatagalang upo si Joaquin Gabriel ngayon, ah.

Dahil ba iyon sa akin o talagang napapanahon lang iyong galing niya?

" Uminit na siguro iyong pwet ng manok ko, ah?" Chesca said with humurous laugh. Pababa na iyong ibang mga estudyante at nagsisilabasan na, hudyat na tapos na ang laro.

A lot of girls flocked on their team because they won, without having him until the end of the game. Mayroong nagpa-picture sa kanya at nagtangkang yumakap pero napapahiyang tinanggihan niya iyon.

Kailan natutong tumanggi ito sa babae?

Naghintay kami ng ilang minuto bago tumayo at dinaluhan kami ni Gab. He's sweating and his hair's damp. Umiinom ito ng tubig at seryoso ang mukha, baliktad noong una naming pagpunta rito.

It's as if he's mad not having his presence until the last quarter. Napangisi pa si Chesca bago tinapik ang balikat ko at iniwan kaming dalawa.

Hihigitin ko pa sana kaso mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng gym.

Awkwardness filled us. Tanging iyong boses ng kapwa niya players na isinisigaw ang pangalan niya ang naririnig namin na hindi niya binibigyang pansin.

I wanted to laugh but it's not appropriate to the situation, lalo pa't mukhang wala ito sa mood. Nakaupo lang siya, eh. Lakas pa naman mag-imbita sa akin dito kahapon.

"You okay?" tanong ko habang bitbit iyong mga libro. Masikip na rin ang bag ko kasi sa mga notebooks na dala.

"Yeah. Sorry 'bout my performance earlier," nginitian ko ito at sinenyasan akong sumunod sa kanya. He carried his bag while walking toward his locker.

Nagpalit ito ng damit bago inayos ang sarili. I waited for him patiently until he finished. Sabay kaming lumabas at nilakad ang mahabang hallway nila.

"Thank you pala kagabi. Nagawa pa kitang tanggihan," I apologized. Inayos niya ang bag bago marahang kinuha ang mga libro kong dala.

I hesitated at first but he forced himself. Binigay ko iyon sa kanya sa huli dahil mapilit.

"Don't mind that. Ganoon lang talaga ako kapag may kaunting achievement," he said while wiping his face. Para tuloy akong natutulala dahil sa makinis niyang mukha.

"Hindi naman ikaw ang may achievement, ako naman," kontra ko habang sinasabayan nito ang mabagal kong paglakad.

He's tall and can walk that fast but he chose to join me. Mabuti na lang dahil kakaunti na ang mga estudyanteng nandito. Mukhang seryoso sa pag-aaral kaya hindi kami napagtutuunan ng pansin.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now