Chapter 11

734 26 0
                                    

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento sa akin ni Chesca. She's been talking about her past meet ups which never made me surprise at all. Ni hindi ko na napansin ang pagkakatulala sa kawalan. Kung hindi pa kinaway nito ang kamay sa harapan ko ay hindi ko naikurap pa ang mata.

"Hoy! Tulala ka, ah?" I sighed and drank some water.

Ilang araw pagkatapos noong pagpunta ko sa condo niya ay hindi na kami masyadong nag-usap. Pati sa trabaho ay hindi na rin ito pumupunta pa para kulitin o di kaya ay ilibre ako.

Ang hirap kapag nasanay ka sa presensya ng isang tao. Kapag hindi nagpakita o nagparamdam, hahanap hanapin mo.

I didn't answered his question that time. Dahil na rin kasi sa antok saka pagod ay nawalan ako ng gana pang sumagot.

Hindi naman kami nag-date ni Mavy. Saka sino ba ang nagsabi sa kanya noon? Hindi nga rin alam ni Chesca na kumain kami, eh.

Nagpaalam lang ako saka umuwi at itinulog lahat nang iyon. Masyadong pagod na ang isip ko.

Tapos nagulat na lang ako na may ka-date na naman ito hanggang ngayon.

He's back to his old self again. Minsan kaming nagkakasalubong tapos hindi niya man lang ako nagawang pansinin.

He'll just walk like we never knew each other. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng bagong kaibigan tapos ito ang mangyayari?

I tried confronting him again but he'll just answer me playfully. Ewan ko ba kung anong problema nun sa akin at nagagawa akong hindi pansinin.

Kaya ngayon ay balik tingin ako sa kanya mula sa malayo habang matamis na nakangiti sa kaharap na babae.

I've been staring at them the whole time the moment we arrived here at the coffee shop. Inaalis ko lang ang tingin sa kanila kapag minsang gumagala ang mata ni Gab. I'd pretend that I'm drinking my coffee everytime he does that.

"Selos ka? Sinasabi ko na nga ba, may feelings ka na doon," nangunot ang noo ko saka hinayaang lunukin ang kape. Mahina kong iniling ang ulo dahil maski ako ay naguguluhan sa tanong niya.

"Hindi naman. Hindi na niya kasi ako pinapansin. Pero okay lang, hindi naman siya kawalan," sabi ko at itinaas pa nito ang kilay. Nagdududa na naman ito sa akin.

Minsan na niya kasing nakita iyong naging text sa akin ni Gab kaya walang ginawa kundi ang magtipa ba naman ng 'Miss na kita' kahit hindi ko naman gawain iyon. Buti na lang ay nakita ko kaagad at hindi pa nasi-send. Sakto wala akong load noon, kundi pahiya ako.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi nga nasa first level pa lang kayo. Araw-araw naman kayong magkakasama noon kaya imposible namang wala kang nararamdaman sa kanya. Hello? Saksakan ng gwapo iyong kasama mo kaya todo support ako sa'yo kasi baka siya na nga ang magiging boyfriend mo sa wakas!" bumuntong hininga ako saka napatingin na naman sa kanila noong kasama niya.

Mahilig sa magaganda tapos iyong tipo na talagang masasabi kong perfect. Ni hindi nga ako nakaabot sa kalingkingan niya kaya imposible ring magkagusto sa akin 'tong lalaking 'to.

Magunaw man ang mundo ay baka hindi mangyari iyon. Hindi rin naman ako umaasa.

"Remind ko lang ha? Alam mo namang nagiging tanga ang isang matalino pagdating sa pag-ibig," she said while shaking her head. Napahilot ako sa sentido saka inisip ang sinabi niya.

Hindi naman siguro lahat ng matalino ay nagiging ganoon. Depende naman iyon sa tao kung paiiralin niya ang utak kaysa puso.

"Tsk. Hibang ka na. Kumain ka na lang," utos ko. Nanatili kami doon sa coffee shop hanggang maubos iyong order namin.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now