Chapter 19

698 27 0
                                    

Kumunot ang noo niya saka unti-unting lumapit sa akin. Seems like he can't believe on what he heard earlier. Tahimik lang ako habang tinititigan niya.

It's as if he's not chosen as always. The charisma that he has whenever he dates girls is just one of his effortless talent.

But it's not my point here. I just want to see how he seriously court and wait for a girl.

"Really?" Tumango ako. Parang nagdiwang kaagad ang mukha nito nang makumpirma nga iyon.

"You should not worry. Pero sana maayos niyo iyong pagkakaibigan niyo. Sana magkausap na rin kayo."

Iyon ang sabi ko pero napakamot lang ito sa ulo. He's having a hard time on that? Makikipag-ayos lang naman.

"I'll try but not now."

"Soon as possible. Kung hindi kaya, marami namang oras. Gusto ko lang talaga kayong magkausap ulit."

Nang tumila na ang ulan ay sabay kaming bumalik. He guided me. Kaya nang makarating na ay nag-aalalang mukha naman ni Chesca ang sumalubong sa akin.

She hugged and checked me. Doon lang kami naghiwalay ni Gab dahil tumakas lang daw ito. I hope that this won't be the issue tomorrow again. Mabuti naman dahil silang dalawa lang ni Chesca. Ayokong pagpiyestahan ng tanong kinabukasan.

"Hoy! Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa'yo? Nagising ako bigla dahil may narinig ako tapos makikita kong wala ka na sa tabi ko?" litanya niya habang sinasamahan ako sa CR upang magbihis. Nilinisan ko lang ang katawan ko dahil sobrang basa nang dahil sa ulan. Para hindi na rin ako magkasakit.

"Nakalimutan ko earphones ko roon, eh. Kinuha ko lang kaso naabutan ng ulan."

She widened her eyes and snapped her fingers.

"The fuck, Ria? Dahil lang sa earphones pupunta ka sa gitna ng gubat? Ng ganito ang oras?!"

"Tsk. Bago 'yon kaya hindi pwedeng mawala. Alangan namang gisingin pa kita, eh mukhang takot ka naman."

"E 'di sana pinagpabukas mo na lang! Atat naman 'to!"

Umiling ako saka lumabas. Buti na lang ay tulog iyong teacher namin kaya hindi nila alam kung anong nangyayari. Hindi naman ako nawala, sadyang naabutan lang talaga ng ulan.

"Masyadong importante kaya hindi dapat balewalain."

"Tigilan mo nga ako dyan. Buti nga gising pa si Joaquin. Naabutan ko doon sa labas, nagpapahangin yata."

Nahiga ako sa kama saka nakinig sa kwento niya. It's already 12 am and here we are, having a chit chat. Naupo ito habang nakaharap sa akin.

"At alam mo ba? Ewan ko lang ha? Para kasing ang lungkot niya kanina. May nangyari ba?"

Ah. Siguro iyong tungkol sa kanina. 'Di bale, okay naman na 'yon. Sadyang galit lang talaga kanina.

"Wala naman," simple kong sabi saka uminom ng tubig.

I noticed that she frowned by hearing that. Atat rin itong makichismis  sa akin kahit gabi na. Ang daming enerhiya.

Nahiga na rin ito saka humarap sa akin. She's yawning and I know that she's tired too. Parang kasalanan ko pa kung bakit bigla itong nagising. Takot pa naman.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now