Chapter 21

676 25 7
                                    

The remaining weeks before Christmas is very stressful. Bukod sa maraming ipapasa ay nagsabay sabay rin ang mga quizzes and exams. Halos hindi na ako nakakakuha ng matinong tulog dahil doon.

Parati akong puyat.

Good thing Gab didn't invited me to his dates again. Naiintindihan naman niya dahil busy nga ako. Busy rin siya pero mukhang happy go lucky lang lagi.

I told him that I'll be spending both Christmas and New Year in San Lazaro. Iilang araw ang pananatili ko roon kaya mahaba-haba ang bakasyon ko.

He'll be with his mom and maybe try visiting me. Kaso nakailang kulit sa akin bago ako napapayag. Ayoko sana kasi baka mahuli na naman kami ni papa kaso napilit na ako.

Patapos na ang huling klase namin. This is our last day and tomorrow's Christmas. Siksikan pa naman siguro ang bus ngayon dahil Pasko na bukas.

Sinabi rin sa akin ni Chesca na baka hindi rin kami masyadong magkausap. Para namang lagi kaming nagte-text, eh hindi nga kami ganoon kasi lagi naman kaming nagkikita.

Hapon na kaya umuwi na ito. Gab's already waiting for me outside. Noong una ay nagce-cellphone pa ito pero nang makita ako ay kaagad na tumigil.

He smiled and I nodded as a response. Kaya napanguso ito nang mapansin iyon.

"Merry Christmas! Sana umuwi ka na,hindi na dapat ako hinintay."

"As if I can do that? Bukas pa Christmas kaya hindi ka naman exempted na hindi kita sunduin."

"Wow. Kailan ka pa naging tagapagsundo ko? Ang lapit ng dorm ko, oh."

"Bakit? Bawal bang masilayan ka man lang bago ako umuwi?"

He silenced me by saying that. Kaagad akong napaiwas ng tingin saka nagsimulang maglakad. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa pagkailang.

Hindi siya iyong tipo ng tao na mukhang sweet o malambing. But saying a single sentence can make my world drop a bit.

Wala namang dating pero noong narinig ko, bigla akong nakaramdam ng kung ano. Grabe ang isang Joaquin Gabriel.

"Hey, wait. Uuwi ka ngayon 'di ba?Why not ride with me? Papunta naman ako sa Galleria kaya idaan na lang kita " He held my hand. Pinigilan niya ako sa paglalakad pero nanatili akong tahimik, hindi kayang iharap ang mukha sa kanya.

Lord, pwede po bang huwag niyo akong gawing naaapektuhan sa mga simpleng salita niya? Mukhang nahuhulog na po ako.

"S-sige. Hintayin mo lang ako dito," iyon ang huli kong salita bago tumakbo papuntang dorm. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang makapasok sa kwarto.

My heart's hammering like I did something that can tire me. Saglit kong pinakalma ang sarili bago nagligpit ng mga dadalhing gamit.

It took me a long time before finishing it. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa kwarto dahil sa hindi mapigilang kaba at pagkabalisa.

This is my first time riding on his car that long. Isang oras mahigit ang byahe papunta sa amin kaya ganoon rin katagal ang pananatili ko sa kotse niya. And thinking that I might suffocate myself riding there can kill me.

Paano kung bigla na namang bumanat iyon doon? Anong magiging takas ko?

I bit my nails to stop myself from thinking all of those. Bakit ba bigla na lang akong napapayag? Baka makita ako ni papa!

Huminga ako ng malalim bago umalis sa dorm. Naabutan ko itong nakasandal pa rin sa kotse niya habang hawak iyong paborito kong kape.

Binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating ako sa kotse niya. Binigay niya iyong hawak sa akin saka kinuha ang bag kong dala.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now