Chapter 22

631 22 3
                                    

Nang mapansing natagalan na ako sa loob ng sasakyan niya ay nagpaalam na ako saka umuwi sa bahay. Habang papasok ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong nangyari kanina lang.

Hate to say this but... I liked it. The rhythm of it was like a wind that could make my mind at peace. It shivered me to the point that I cannot recognize myself anymore. Napapaisip tuloy ako kung ganoon rin ba ang klase ng halik na binibigay sa mga ka-date niya?

Hinalikan niya ako. Nadala ako at tumugon din. I followed what he said. Pero ngayon lang ako napunta sa matino kong isip.

Muntik na akong mabunggo sa bulto ni Papa na nakatayo sa harap ko. Napalunok agad ako nang mapansin ang seryoso niyang mukhang nakatingin sa akin.

"Saan ka galing? Hinanap ka ng Mama mo, hindi ka makita."

Iniwas ko ang tingin saka pinanatili ang sariling kalmado kahit kinakabahan na. I cleared my throat and combed my hair a bit. Namawis kaagad iyong kamay ko.

"Sa labas lang po. May tinignan."

He narrowed his eyes and his attention went to my lips. Pinakatitigan niya iyon na para bang may nakikitang hindi ko napansin.

Nag-iwan ba ng ebidensiya si Gab sa labi ko? Hindi ko na naayos ang sarili sa pagmamadali kanina! Hindi ko na natignan ang sarili bago umalis sa harapan niya.

"Bakit namumula labi mo? May kinain ka ba?"

Pinahiran ko iyon saka nangunot ang noo.

Did he sucked my lip? Bakit namumula sabi ni Papa? Gosh. Ganoon ba kalala manghalik iyon?

"Siguro sa pagkagat ko lang po. Lately kasi nagiging dry ang lips ko kaya... uhh... kinakagat ko."

Iyon ang naging dahilan ko. Mas naging alarma ako nang tumingin ito sa direksyon kung saan iyong sasakyan ni Gab. Halos mapapikit ako nang sumandal si Papa sa pinto saka ipinagkrus ang braso.

"May kinikita ka ba?" Dahil sa kaba at takot ay mabilisang iling ang naging tugon ko. Taimtim akong nananalangin na sana ay umalis na siya doon. Ayokong saktan siya ni Papa at ayoko ring masigawan nito.

"Si Chesca lang po iyong kanina. Bumati lang sa akin at aalis na rin daw po siya," pangungumbinsi ko pa kahit nakokonsensya na ako sa mga kasinungalingan ko.

Papa loves me so much to the point that he doesn't want me meeting someone, especially guys.

"Mabuti. Pero oras na malaman kong may boyfriend ka, ihihinto kita sa pag-aaral. Mark my word, Aria. Para rin iyon sa ikabubuti mo." I've got no choice but to nod slowly. Nanghihina akong pumasok sa kwarto saka napatulala na lang.

I checked my phone and there were missed calls from Gab. Mukhang iyon ang tinutukoy niya sa akin kanina dahil ilang oras na ang nakalipas.

I took out the necklace he gave me. Mabuti na lang ay hindi ko suot iyon kanina kaya hindi nakita ni Papa. I stared at it and smiled.

My name's in it. It's a silver necklace which I think he personalized. Mamahalin pero mas naa-appreciate ko iyong pangalang nakikita ko.

I sighed and then kept it. Napatitig na naman sa kawalan saka hindi mapigilang umiyak.

I know the fact that my father doesn't want me to engage in any relationships. But I won't end the hopes that I am giving to Gab.

Paano ko naman tatapusin at sasabihing tigilan na niya kung ako mismo ay nahuhulog na sa kanya?

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now